Jed Madela, OA and struggling?

Pinag-usapan sa social media ang vocal showdown nina Jed Madela at Morissette Amon sa pagbubukas ng bagong segment ng ASAP na tinawag nilang ASAP Versus.

Pinakita na naman ng mahusay na singer ang tindi ng vocal dynamics niya pagdating sa pag-awit. Nakipagbiritan din siya kay Morissette na kilalang biritera.

fb_img_1525005574844

Sey ni Jed, I really get a different kind of high when I do “intense” performances. That very feeling when you feed each other’s passion and energy onstage. 

“Yes, it may be tiring but a good kind of “tired.”

Sa mga nagsabi namang nanapaw siya,

“Some say it’s too much or “over-acting” or some may say I’m struggling. No. That’s what you call performing!”

Kahit naman marami ng nagsulputang  mga bagong singers iba pa rin ang respetong binibigay kay Jed.

Bukod sa pagiging isa sa mga hurado ng Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime, magsisilbing mentor na rin sya sa upcoming season ng Your Face Sounds Familiar Kids hosted by Billy Crawford.

***************

Bukas na, April 30, gaganapin ang #Petmalu concert ni LA Santos sa Music Museum, 8 pm.

received_10216874212757078

Kabilang sa special guests  ay sina Jaya, Ian Veneracion, Jona, Michael Pangilinan, Imelda Papin, Claire dela Fuente, Eva Eugenio, at Boobsie  Wonderland, at ang sister ni LA na si Kanishia Santos.

Happy daw si LA sa title ng nasabing concert sahil akma ito sa mga performances na gagawin niya.

“Petmalu po talaga kasi may mga duets ako sa mga special guest ko. Hindi lang po old songs ang kakantahin maging mga popular songs ngayon.”

Recording, movies, and now a major concert, masaya man ay ayaw makuntento  ng 18-year old singer.

“Masaya, sobra po pero hindi pa ako satisfied, paulit-ulit kong sinasabi po iyon. Ayaw ko po kasing ma-satisfied, naniniwala kasi ako na marami pang mangyayari sa career ko, kumbaga po ay umpisa pa lang ito. Kaya talagang work hard lang ang gagawin ko.

“Kumbaga, gusto ko pong ituloy-tuloy lang, at talagang pagsisikapan at paghihirapan ko po para maabot ko yung dreams ko.”

Ang #Petmalu ay hatid ng J.E.D.I. (Joed Entertainment Department Incorporated)  ni Joed Serrano at Dream Wings Production Inc.  Ang musical director naman ay  si Iean Iñigo.

received_10156915839970961

Sa lahat ng tagumpay na ito ni LA, ang labis namang masaya ay ang inang si mommy Flor na walang mapagsidlan sa tuwa.

Leave a comment