Jed Madela, natuto sa pagkakamali

by Mildred Amistad Bacud

Nagkasakit  si Jed Madela kaya hindi siya nakasipot sa concert ni Lani Misalucha last December sa Smart Araneta Coliseum. Ito angunnamed kanyang ikinuwento sa guesting niya sa Aquino and Abunda Tonight kagabi. Dahilan para kanselahin pa niya ang halos lahat ng shows niya sana last December.

“I was busy the whole time of November. Feeling ko ako si Superman. Halos everyday hanggang sa nawala na lang yung boses ko. Na-overused siya. The whole December, wala akong work.”

Kamakailan lamang din ay hinirang pa syang ‘Entertainer of the Year’ ng Aliw Awards.

“Sobrang frustrating siya kasi, binigyan nila ako ng award but I couldn’t sing.”

Voice rest daw ang ginagawa ngayon ni Jed na tatagal pa ng isang buwan. Hininto na rin nya ang dating ugali na pag-inom ng malamig na tubig. Leksyon din daw ito para kay Jed.

“Siguro it’s a sign of telling me to slow down.”

Bagaman sa kabuuan ay naging maganda ang 2014 kay Jed, ilang kontrobersiya din ang kinasangkutan nito na may kinalaman sa pagpo-post niya sa social media kaya naman inulan din siya ng bashers. Matatandaang binash siya ng husto ng mga Kathniel fans dahil sa pagpo-post nito sa Twitter ng kalat na pinagkainan nila sa dressing room ng programang ASAP. Ang pinakahuli ay ang pagkadismaya sa kanya ng ASAP production mismo dahil naman sa pagpo-post niya ng mga katagang sa pakiramdam nila ay sila ang pinapatungkulan.

Kung may natutunan daw si Jed, sabi niya,

“I am human and I have to prioritize health. I’ll think first before posting anything and be responsible in posting on social media- Facebook, Twitter and IG.”

Leave a comment