JC Santos exposes butt in new iWant series

MINAHAL sya sa teleseryeng On The Wings Of Love kasama ang sikat na tambalang James Reid at Nadine Lustre. Mula noon ay sunud-sunod na ang kanyang proyekto sa telebisyon at pelikula. 

Hindi na kailangang kuwestiyunin ang kakayahan niya bilang isang aktor dahil ilang beses niya na itong pinatunayan. 

At sa iWant series na Project Feb 14 ng Dreamscape Digital kung saan niya katrabaho sina Jane Oineza at McCoy De Leon, muling magpapamalas ng kanyang galing si JC Santos. 

Sa imbitasyon ng Dreamscape Digital ay napanood namin last Wednesday evening ang 6 episodes ng PF14. 

Medyo maselan ang series mula sa direksyon ni Paul Laxamana kung saan matutunghayan ang usaping depression at mental disorder, kaya naman from February 9 na dapat sana’y mapapanood na ito online via IWant ay ipinagpaliban ng Dreamscape Digital at Kamaru Productions sa February 16 ang streaming dahil may mga kailangang ayusin sa disclaimer nito at kung anu-ano pa. 

Desisyon ito ng buong production upang makaiwas sa anumang aberya o pagpuna kapag streaming na ito sa IWant. 

Sa bahagi naman ng mga bidang artista, well, given naman ang pagiging magaling na aktres ni Jane noon pa man. Truly. Ginulat din kami ni McCoy kung saan nakipagsabayan siya sa galing nina Jane at JC huh! 

Bongga rin ang mga eksena nina Jane at McCoy wherein nagpakita ng konting flesh ang dalawa. 

Pero ang kaabang-abang dito ay ang eksenang ginawa ni JC mga baklush! 

Basta ang nasabi namin, puwet kung puwet! Ang seksi ni JC! Basta! Bagay na bagay sa bawat tatlong bida ang karakter nila sa series na ito. 

Bigay na bigay silang tatlo! Yun na!

Leave a comment