JC de Vera to marry non-showbiz partner soon

Naging usap-usapan kamakailan ang pagwo-walk out ni Angel Locsin sa taping ng The General’s Daugther. Kanya-kanyang espekulasyon ang lumabas na dahilan at itinuturong dahilan kaya nag-walk out si Angel ay dahil hindi na raw ma-take ang hindi magandang trato diumano ng direktor ng teleserye kabilang dito ang pagmumura raw niya at palaging sumisigaw sa set.

Isa sa mga cast ng TGD na si JC de Vera ang nakapanayam namin hinggil sa isyung ito pero mismong siya ay sinabing wala siyang kaalam-alam sa nangyari. Tulog daw siya kasi nang mangyari ang pagwo-walk out ni Angel. Maging ang itinuturong dahilan ng ginawa ng aktres na si Direk Manny Palo ay wala rin daw alam ayon kay JC. 

Anyway, natutuwa naman ang aktor sa magandang pagtanggap ng televiewers sa kanilang teleserye. Nagpapasalamat din siya sa importansiya at pagtitiwalang binibigay sa kaniya ng Dreamscape at ng Kapamilya Network. Sa totoo naman kasi ay napakalaki talaga ng kaniyang role bilang isa sa mga leading men ni Angel sa TGD. 

Aminadong mahirap ang kaniyang role bilang sundalo dahil maging siya ay sinasabing hindi ganoon kadali ang papel niya rito. Bukod sa mga action scenes ay patuloy pa rin ang pagri-research niya sa katauhan at trabaho ng isang military men. Gusto kasi niyang maging makatotohanan ang kaniyang pagganap. 

Siyangapala, dahil sa kahusayan na rin niya sa pagganap ay kabilang siya sa mga pararangalan sa darating na Box Office Entertainment Awards 2019 bilang Movie Supporting Actor of the Year dahil sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang “One Great Love.” Kabilang din siya sa mga pinagpipilian ng Laguna Excellence Awards para naman sa Outstanding TV Actor of the Year. Balita kasing malakas ang kaniyang laban dahil sa ipinakita niyang galing sa teleseryeng “Since I Found You.”

Sa personal naman palang buhay ng aktor ay nagpaplano na pala silang magpakasal ng kaniyang non-showbiz partner kung saan ay may isa na silang anak na baby girl. Sabi ni JC, baka sa 2021  raw o 2022 ay magpapakasal na siya. Hirit niya, hindi raw magiging magarbo ang kasal. Gusto niya na maging simple raw ito.

Leave a comment