Jason Abalos handpicked to play Sgt. Pedro Duran in ‘Balangiga 1901’

Kasama si Jason Abalos sa historical film na Balangiga 1901 mula sa JF Films at sa direksyon ni Danny Marquez.

Gumaganap siya rito bilang si Sgt. Pedro Duran.

“Sobrang interesting ng role ko. Si Ejay (Falcon), straight siya na pulis. Siya ‘yung kapitan ng Balangiga. Ako sarhento niya, pero under din ako sa mga katipunero. Kumbaga, espiya ako ng mga katipunero,” kwento ni Jason tungkol sa kanyang role.

Patiuloy niya,” Sabi nu’ng mga kaapu-apuhan niya (Sgt. Duran) kasi sila ang nagkuwento tungkol sa Balangiga, siya ‘yung nag-ring ng bells, ‘yung nagbigay ng hudyat sa mga kasamahan niya sa labas para pasukin ‘yung bayan.”

Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang pelikula to think na hanggang ngayon ay may pandemya?

“Siyempre lahat naman tayo iniisip kung magiging safe ba ‘yung trabaho. Matagal na rin akong naghihintay na may ginagawa, eh. Na-bored na rin ako sa bahay. Nagbenta na ako ng kung anu- ano, sardinas, dried fish. Ngayon meron na rin akong binebentang kape. Sabi ko, hindi pwedeng wala tayong gingawa, kailangan kong tanggapin. Kung palalagpasin ko ‘yan, maghihintay tayo na mawala ‘yung pandemic, hindi tayo makakakuha ng ganitong klase ng pelikula,” paliwanag pa ni Jason.

‘Yung ibang nasa cast ng pelikula ay dumaan muna sa audition bago napili. 

Pero si Jason ay hand-picked para sa kanyang role.

“Ang sabi sa akin ni Direk, ako ‘yung last na pinili nila. Siguro, two weks ago lang.”

Si Ejay Falcon ang pinakabida sa Balangiga 1901, support lang dito si Jason.

Bakit siya pumayag na sumuporta lang kay Ejay to think na nagbida na siya sa mga pelikula at naging Best Actor pa?

“Bakit naman hindi,” balik-tanong ni Jason.

“Ako, sobrang fan na fan ako ni Mr. Eddie Garcia. Sa kanya ko narinig na walang maliit o malaki na role. Hanggat  nagagawa mo ‘yung gusto mo, di ba, walang masama ru’n? Ako kasi, passion ko ‘yung acting. Gusto kong umarte nang umarte.”

Nu’ng kunin sa pelikula si Jason, ay nag-reseach siya tungkol sa Balangiga.

“Nag-reseach na ako nu’ng nalaman ko na kasama ako sa Balangiga. Sinearch ko si Sgt Pedro Duran. Pero walang gaanong nasusulat tungkol sa kanya. Ang alam ko lang, ‘yung anak niya naging mayor ng Balangiga, si Junior. ‘Yung naging history niya, hindi ko na nalaman.”

Leave a comment