Napakalaki ng kumpiyansa ng award-winning Japanese actor na si Jackie Woo sa director na si Joel Lamangan kaya pinagkatiwalaan niya itong idirehe siya sa isang makabuluhang proyekto na “Tomodachi” sa ilalim ng kanyang Global Japan Productions, Inc. na base sa Shibuya, Japan.
“He’s an actor’s director. I believe in him as director. He’s very professional and an internationally renowned one like Kurosawa. He directed me in “Felix Manalo” and I am impressed by his works,” aniya.
Sa “Tomodachi” na ang ibig sabihin ay kaibigan sa ating wika, papel ni Toshiro, isang Hapon na nagtratrabaho sa Pilipinas noong WWII ang role ni Jackie. Nang sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig, naatasan siya ng Japanese Imperial Army na iwanan ang buhay sibilyan at sumama sa hukbo. Na-in lab siya kay Rosalinda, (Bela Padilla) ang kapatid ng kanyang best friend na ginagampanan ni Pancho Magno. Susubukan ang kanilang pag-iibigan ni Rosalinda sa panahon ng digmaan.
Ginawa ni Jackie ang “Tomodachi” dahil balak niyang isali ito sa mga prestigious international filmfests abroad.
“It is also a great drama movie because my best friend became my enemy when he joined the guerrilla fighters. It is not only a story about friendship, but of a very touching love story between Bela and me,”dagdag niya.
Jackie also speaks highly of the Pinoy actors and crew that he has worked with in “Tomodachi.”
“They’re very creative and very professional. I love their dedication to their craft,” saad ni Jackie.
Si Jackie Woo ay nanalo ng best actor award sa 2012 Manhattan International Film Festival sa New York para sa kanyang makabagbag-damdaming pagganap sa “Haruo” bilang isang miyembro ng Yakuza na gustong magbagong-buhay subalit hinahabol ng multo ng kanyang nakaraan.Ito ay idinirehe ni Adolfo Alix, Jr.
Nanalo rin ang naturang pelikula bilang best film noong 2011 sa Young Critics Circle.
Bukod dito, napansin din siya sa “Walang Hanggang Paalam” nina Paolo Villaluna at Ellen Ramos na nagwagi naman ang best world feature sa 2010 Soho International Film Festival sa New York.
Ayon pa kay Jackie, natutuwa siya dahil nagkakaroon na ang katuparan ang kanyang mga pangarap na mapansin bilang isang magaling na dramatic actor.
Para kay Jackie, itinuturing din niyang ikalawang tahanan na ang Pilipinas.
“I did some movies in Asia but Philippines is different. I love working with Filipinos because they are very hard-working, talented and fun to work with. I love their hospitality and how they value their family,” pahayag niya. “I consider myself a Filipino by heart,” dugtong niya.
Happy din si Jackie Woo dahil hindi lang sa drama napapansin ang kanyang galing kundi pati na sa pagpapatawa dahil nabibigyan siya ng pagkakataon na makapag-guest sa longest running comedy sketch program ng “Bubble Gang” ng GMA-7.
Nais din ni Jackie na makapag-prodyus pa ng maraming de-kalidad na mga pelikula sa bansa.
Ang “Tomodachi” ay pinagbibidahan din nina Eddie Garcia, Bela Padilla, Pancho Magno, Hiro Peralta at ng Japanese actor na si Shin Nakamura.
Para naman kay Direk Joel Lamangan, nakatataba ng puso na bansagan siya ni Jackie Woo na Akira Kurosawa ng Pilipinas.
Karangalan daw para sa kanya na maihanay sa isa sa mga pinaka-influential film geniuses in the history of cinema na ang mga pelikula ay kanya ring nasubaybayan at napanood.
Proud din si Direk Joel sa kanyang lead actor na si Jackie Woo dahil sa dedikasyon nitong yakapin ang wika at kulturang Pilipino.
Espesyal sa kanya ang “Tomodachi” dahil ang karakter ni Rosalinda (Bela Padilla) ay base sa makulay na buhay at dakilang pag-ibig ng kanyang tiya noong panahon ng Hapon.
Para kay Direk, patuloy siyang gagawa ng mga pelikula hanggang may nagtitiwala sa kanyang kakayahan bilang director. Tulad ng pagdidirek, enjoy din si Direk Joel sa pag-arte sa entablado at maging sa pelikula. Huli siyang pinalakpakan sa kanyang pagganap sa horror movie na “Violator” na naging kalahok sa Cinemaone Originals.