Janjep Carlos talks about the pressure to win Mr. Gay World

Aminado si Janjep Carlos na may pressure siyang nararamdaman bilang representative ng Pilipinas sa Mr. Gay World 2019 na gaganapin sa Cape Town, South Africa, sa May 4.

“Sobrang nakaka-pressure, especially ‘yung last delegate na ipinadala sa Mr. Gay World, who is John Raspado, siya yung nag-title.

“As you all know, most of the people expect too much from the Philippines, kasi we are now isa sa mga powerhouse pagdating sa pageantry.

“So, ang laking pressure para sa akin, kasi they expect too much from me.”

Kaya naman may pakiusap ang binata na sana raw ay suportahan siya sa online voting ng Ms. Gay World 2019.

“Guys, I’l be needing your much love and support soon once the online voting is on as i represent our country The Philippines, in the much awaited Mr. Gay World 2019 to be held in South Africa on May 4. I’l be doing my best to bring home the crown, with your support, we can do this.”

Samantala, nang tanungin si Janjep kung sino ang showbiz crush niya,ang sagot niya ay si Piolo Pascual.

“Hindi pa kami nai-introduce sa isa’t-isa pero how I wish na makilala ko siya ng personal.”

Feel nya bang matikman o maikama si Piolo?

Nangiti lang si Janjep, hindi niya sinagot ang tanong.

Leave a comment