Janine recalls first-ever TV appearance; Jillian explores dancing

Itinuturing na proudest Kapuso moment ni Janine Gutierrez ang kanyang first-ever television appearance sa GMA variety show na Party Pilipinas noong 2011. 

Hanggang ngayon ay natutuwa pa rin si Janine tuwing binabalikan ang araw na iyon kung saan ramdam na ramdam niya ang suporta ng GMA at ng kanyang pamilya. 

“My parents were in the audience, my siblings were in the audience, my tita was in the audience. I felt so welcomed by GMA and supported by my family,” kuwento ni Janine. 

Simula ng pasukin ni Janine ang show business bilang isang Kapuso, iba’t ibang programa na rin ang kanyang kinabilangan. Ilan sa mga ito ay ang More Than Words, Once Again, at Dragon Lady.

Ngayong ipinagdiriwang ng GMA ang ika-70 na anibersaryo nito, nagpapasalamat si Janine sa patuloy na tiwala at pagmamahal sa kanya ng network.

Aniya, “Happy anniversary, mga Kapuso! I wish you all the best. Congratulations on 70 years of being part of Filipinos’ hearts and homes. Here’s to 70 more years.”

*****

Ngayong naka-quarantine, isa sa mga naging libangan ni Jillian Ward ang video-sharing app na TikTok.

Kuwento ng ‘Prima Donnas’ star, dati raw ay hindi talaga siya marunong sumayaw, pero dahil sa TikTok ay natututo na siya, “Actually ginagaya ko lang po [‘yung choreography] kasi nga hindi po ‘yung magaling sumayaw. And doon po ako natututo, sa TikTok, sa mga choreography. Dati talaga wala po ako sa beat. Ngayon, kahit papaano, on beat na rin.”

Kahit na pansamantalang hindi umeere sa TV ang Prima Donnas, napapanood pa rin si Jillian kasama sina Althea Ablan, Sofia Pablo, Elijah Alejo, at iba pang cast sa ‘Prima Donnas: Watch From Home’, tuwing Biyernes at 5pm sa YouTube channel, Facebook page, Twitter account ng GMA Network.

Leave a comment