Janine, Rayver still not official?

Nagbakasyon pala ang rumored sweethearts na sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez sa California, USA, noong huling bahagi ng December 2018.

Nag-post kasi ng picture si Rayver na kanyang Instagram account, na kasama si Janine na kuha sa nasabing bansa.

Matapos mag-post, si Janine naman ang nag-post ng sweet na larawan nila ng actor-dancer sa kanyang Instagram account.  

Kung magkasama ang dalawa na nagbakasyon sa California, at sweet ang pictures na kuha nila together, iisa lang ang ibig sabihin nito, na talagang may something nang namamagitan sa kanila, di ba? 

Pero bakit kaya hindi pa rin nila maamin ang tunay na sitwasyon ng kanilang relasyon, at lagi nilang sinasabi na dating lang sila kapag natatanong kung sila na? 

Kung aamin naman sila, wala naman sigurong magiging problema, dahil boto naman ang mommy Lotlot de Leon ni Janine kay Rayver. 

At ang daddy naman ni Janine na si Ramon Christopher, ay boto rin kay Rayver. 

Nakita pa nga namin sina Rayver at Monching isang madaling araw na magkasama na kumakain sa isang resto-bar. 

Well, ano nga kaya ang pumipigil kina Rayver at Janine para aminin ang kanilang relasyon?

Speaking of Ramon Christopher, totoo kaya itong nakarating sa amin na nagkabalikan sila ng dati niyang girlfriend na si Tina Paner? 

Kung totoo man ito, baka sila talaga ang destiny, ang talagang para sa isa’t-isa.  

For the record, bago nakarelasyon at naging asawa ni Monching si Lotlot, ay si Tina muna ang una niyang nakarelasyon.  

Hiwalay na rin si Tina sa naging mister niya, kaya posible ngang magkaroon ng part 2 ang naging relasyon nila ni Monching.

May bagong asawa na naman si Lotlot, na isang Lebanese na si Fadi El Soury, so it’s about time naman na hanapin na rin ni Monching ang bago niyang kaligayahan, di ba? Dapat ay makipagrelasyon na rin siya ulit.

Leave a comment