Janah Zaplan honored at Aliw Awards 2018

Si Janah Zaplan ang tinanghal na Best New Female Artist sa katatapos lang na Aliw Awards 2018, na ginanap noong December 13 sa Fiesta Pavilion, Manila Hotel. 

Siyempre pa, sobrang happy ang tinaguriang Millenial Pop Princess sa pagkapanalo niya. 

Sa kanyang acceptance speech ay pinasalamatan niya ang Ivory Music, na siyang producer ng dalawa niyang single, na Di Ko Na Kaya at Mahal Na Kita. 

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Janah ang lahat ng mga tagahaganga niya at lalong-lalo na ang kanyang Daddy Boyet at Mommy Dencie.  

Proud na proud kay Janah ang kanyang mga magulang sa pagkapanalo niya. Si Daddy Boyet ay nag-post pa sa kanyang Facebook account na hindi siya makatulog dahil sa sobrang kaligayahan noong gabing nanalo si Janah.

Sa kanyang Faceboook account ay nag-post din si Janah kinabukasan ng mensahe para muling magpasalamat sa lahat ng sumusuporta at nagmamahal sa kanya, lalong-lalo na sa Nasa Itaas. 

Narito ang FB post ni Janah, “I still feel like I’m dreaming! I can’t believe it! I really don’t know what to feel, but I just want to say thank you to everyone who has been supporting me and inspiring me to perform and achieve more, epecially my Dad, Mr. Victor Zaplan, my mom, Dencie and my family. 

“To Aliw Awards, my heart is full and grateful for the nomination more so for giving me ‘The Best New Artist’ award. It is such an honor! ❤️

“I would also like to thank JP Francisco for my gorgeous gown last night. It was perfect! Thank you to my ever supportive sister, Ate Zappy Zaplan, for always assuring I look great on any event. 

“Thank you Janah Charmers, Janah Lovers and Janahtics for the love and support.

To our almighty father, I’m nothing without you, thank you for loving me endlessly and for being at my side.

“This is definitely a night that I will remember for the rest of my life.”

Leave a comment