It’s official! Revival King to sing Julie Vega’s hit song

Maganda ang pasok ng taong 2021 sa Revival King na si Jojo Mendrez.

Kahapon kasi, January 13, in-announce ng kanyang management thru Facebook Live na siya ang napili sa maraming singers na pinagpilian para mag-revive ng kantang Somewhere In My Past, na pinasikat  noong 80’s, ng namayapang singer-actress na si Juie Vega.

Ipinaliwanag ng composer ng Somewhere In My Past, na si Doc Mon del Risario, na siyang pumili kay Jojo, kung bakit ito ang napili niya na mag-revive ng nasabing kanta.

Ayon dito, ang hinahanap niya kasi ay ‘yung singer na quality ang voice at likeable person. Taglay daw ito ni Jojo, kaya rito nga niya ipinagkatiwala ang song remake ng Somewhere In My Past.

*****

Sa televised press briefing mula sa Malacañang nitong Lunes, January 11, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi raw maaaring pumili ng libreng COVID-19 vaccine brand na ituturok sa mga tao.

Pero kontra si Vice Ganda sa sinabing ito ni Roque. Kaya naman nag-tweet siya ng ganito, (published as is): “Sa sabong panlaba nga choosy tayo e, sa bakuna pa kaya. Ano to basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!”

Ang opinyong ito ni Vice, ay pareho rin ng sentimyento ng ilang senador tulad ni  Senator Panfilo Lacson: Sabi niya, “It’s not fair to say that Filipinos cannot choose their vaccines. Pati ba naman ang pagpili kung ano ituturok sa braso ng Pilipino, hindi pa rin puwede mamili ang Pilipino?”

Leave a comment