Is Kris Aquino trying to get herself busy to forget the ‘loneliness of being single’ this holiday season?

by PSR News Bureau

Kris-Aquino-Aman-Futures-Scam1Kilala bilang isang workaholic si Kris Aquino. Kaya naman tila naapektuhan na ang kanyang kalusugan lately. In fact, kinailangan nga niyang ipagpahinga ang kanyang boses ng limang araw as advised ng kanyang doktor dahil nagkakasakit na ang TV host. Nag-post kamakailan lang si Kris sa kanyang Instagram account ng isang medical certificate mula sa kanyang attending physician na sinasabing bawal muna itong magsalita matapos niyang magreklamo na namamaos na siya madalas.

Ayon pa sa naturang post ni Kris: “I’m home, signing off & obeying my doctor- COMPLETE vocal rest. Bago nyo ko pagalitan na pinilit kong magtrabaho, uunahan ko na po kayo. 1. I honored my commitments 2. The people I work closely with shouldn’t be deprived of Christmas income kung kakayanin ko pa naman and 3. We tried 2 days vocal rest but it wasn’t enough. GOOD NIGHT.”

Kuwento pa ni Kris, niresetahan siya ng isang gamot laban sa pamamaga at isang anti-allergy na gamot. Sinabi rin niya na dinala siya sa ospital upang magpagamot dahil sa dami ng kanyang trabaho. Kasalukuyang tinatapos ni Kris ang pagsu-shooting ng pelikula nila, ilang advance taping para sa kanyang pang-umagang programang Kris TV, at ilang endorsements. Bukod pa dito ay mayroon siyang isa pang pelikula na kanyang ipino-promote, ang MMFF entry na “All You Need is Pag-Ibig.”

unnamed

May alingasngas rin na binibigyan ng ibang anggulo ang pagiging sobrang workaholic ni Kris lately. Sabi ng iba, kaya raw sobra ang sipag ni Kris ay upang makalimot sa kabiguan nito sa pag-ibig. Miyembro raw kasi ang TV host ngayon ng ‘samahang malalamig ang pasko.’ Kung pinalad kasi si Kris sa maraming bagay, inaalat ito sa aspeto ng pag-ibig. Lagi na lang siyang nasasawi sa mga lalaking kanyang minamahal. Hangad namin sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) na sana’y dumating ang araw na makatagpo na rin si Kris ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya.

Leave a comment