Irma Adlawan plays mother with 21 children in ‘MPK’

More kids, more fun nga ba? Or more anak, more problems?

Sa panahon ngayon, ilan ba ang dapat na mga anak ng bawat mag-asawang Pinoy?

Tunghayan ang kuwento ni Amelia na nagsilbing ina sa 21 na anak ngayong Sabado sa Magpakailanman at alamin kung bakit umabot ng 21 ang kanyang mga anak.

Tampok sina Irma Adlawan at Allan Paule sa episode na Tanging Ina Ng Lahat (#MPKInaNgLahat) sina Yuan Francisco, Elle Ramirez, Orlando Sol, Rere Madrid, Jerick Dolormente, at Jay Arcilla, sa direksyon ni Zig Dulay.

*****

Patuloy talaga ang pamamayagpag ng GMA Network hindi lang on-air kundi pati na rin online dahil kinilala bilang top online news outlets sa Pilipinas ang dalawang platforms nito — ang GMA News at GMA Public Affairs.

Ayon ito sa June 2020 leaderboard ng Tubular Labs, isang cross-platform digital video measurement provider na sumusukat ng total views ng iba’t ibang websites sa buong mundo. 

Sa Philippines, number 1 sa ranking ng News and Politics category ng Tubular Labs ang GMA News na may 223.7 million views sa Facebook at 139.9 million views naman sa YouTube.

GMA News lang din ang nag-iisang Filipino news outlet na nakapasok sa top 20 worldwide ranking para sa buwan ng Hunyo.

Second highest naman sa Pinas ang GMA Public Affairs account na may 219 million views sa YouTube at 71.2 million sa Facebook.

Kabilang din sa most viewed show sa account na ito ang #1 TV show sa bansa na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Congratulations, Kapuso!

Leave a comment