In case you missed ‘First Yaya’ pilot episode

Muling tunghayan kung paano nagsimula ang kuwento nina Yaya Melody at President Glenn Acosta sa top-rating GMA primetime series na ‘First Yaya.’

Sama-sama nating balikan ang mga eksenang tampok ang nakakaaliw na karakter ni Sanya Lopez bilang Yaya Melody at ang kaniyang pinagdaanan bago maging parte ng buhay ng pamilya ni Gabby Concepcion bilang President Glenn Acosta.

Kasama rin sa serye sina Cassy Legaspi, Joaquin Domagoso, Maxine Medina, Thia Thomala, Pancho Magno, Kakai Bautista, Gardo Versoza, Jon Lucas, Cai Cortez, Pilar Pilapil, Sandy Andolong, Glenda Garcia, Analyn Barro, Anjo Damiles, Jerick Dolormente Kiel Rodriguez, Jenzel Angeles, Clarence Delgado, Patricia Coma, at Thou Reyes.

Abangan ang two-day marathon ng ‘First Yaya’ ngayong Biyernes Santo at Sabado de Gloria (Abril 2 at 3) pagtapos ng 24 Oras sa GMA-7.

Leave a comment