Imelda new Concert Queen?

Dahil napuno ni Imelda Papin ang Philippine Arena sa Bulacan sa kaniyang nakaraang concert ay sinasabing siya na raw ang bagong Concert Queen. Of course, hindi nga biro na ang mahigit 50 thousand na tao na nanood sa kaniya. Nakatutuwa na sa sinasabing panahon na ng millennials ay napatunayan pa rin niya na puwede pa siyang humatak ng tao sa isa pang napakalaking venue.

Kahit pabiro ay totoo ang sinabi ni Imelda nang umattend kami ng presscon niya ay naiinggit daw si Eva Eugenio sa kanya. Para kasi sa amin ay obvious naman talaga na puwede siyang kainggitan. Sucessful siya as business woman, maganda rin ang political career niya bilang vice governor sa Camarines Sur at okey din ang kaniyang singing career dahil kabi-kabila ang kaniyang singing engagements dito at sa ibang bansa. 

Ang maganda kasi kay Ate Mel ay hindi siya nakakalimot sa mga taong nagbigay ng break sa kaniya bago siya naging Imelda Papin. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya pinapabayaan ang mga naging instrumento sa kaniyang tagumpay kaya hanggang ngayon ay blessed siya. 

Konting throwback lang, bigla namin naalala yung panahong sikat na sikat ang kaniyang show sa Channel 13 na Pasikatan sa Trese ay hindi siya nakakalimot mag-share ng blessing sa tuwing dadalawa kami sa opisina niya sa may Quezon City. At sa tuwing magkikita kami ay lagi siyang bumabati sa amin at tinatanong kung kumusta na kumare niyang si Nora Aunor. 

Going back pala sa sinasabing siya na ang bagong Concert Queen, sigurado na hindi papayag ang mga fans ni Regine Velasquez na siya ngayon ang may hawak ng korona. Pero kahit hindi sila payag ay sigurado na kapag nakarating ito sa Asia’s Songbird ay hindi magiging negatibo ang magiging saloobin niya. Sa parte naman ni Ate Mel ay baka ngingitiin lang niya ito at sasabihing magsama-sama na lang para sa ikauunlad ng OPM.

Leave a comment