If you learn how to respect each other, the world would be very peaceful—Bianca

“Para kay Farrah po I think everyone would agree na lahat po ng eksena, pigang-piga po si Farrah.”

Ito ang natatawang sagot sa amin ni Bianca Umali sa tanong namin kung saang eksena sa Legal Wives siya, bilang si Farrah, nahirapan at “napiga” nang husto pagdating sa pag-arte.

Pagpapatuloy pa ni Bianca, “Sobrang marami pong eksena na talagang… mahirap po siya talaga. And kumbaga, hindi ko in-expect na magagawa at mae-execute nang ganung kaayos, lahat po ng eksena ni Farrah.

“Thankfully lahat po ng feedback ng mga tao napakasarap basahin and ang sarap po sa puso na nagpe-pay off lahat nung hard work. 

“Siguro po kung papipiliin ako, it would be of course yung wedding namin po, wedding ni Farrah and Ismael.

“Yung mga eksena po sa bahay ni Farrah kasi lahat actually ng mga realizations niya roon sa kuwarto sa bahay niya naganap.

“And ‘yung mga araw na patapos na ‘yung taping po namin tapos iyon na ‘yung naghahabol na kami ng oras, naghahabol na ng eksena so iyon po siguro, ‘yung tatlong mapipili ko sa lahat-lahat ng memorable na eksena.”

Ano ang reaksyon niya sa opinyon ng marami na naipakita ni Bianca sa Legal Wives ang husay niya bilang isang aktres?

“Wala po akong ibang masabi kundi maraming, maraming, maraming salamat po talaga sa lahat. Hindi rin ho kasi naging madali and napakalaki ng proyekto and I was very blessed to have been given the opportunity to be part of this project as the third and youngest wife of Mr. Dennis Trillo.

“And ngayon po na ganito na napapanood po ng mga tao and ang sarap po sa puso na nagustuhan po nila ‘yung palabas namin wala ho akong ibang masabi kundi maraming salamat po.”

Ano ang greatest learning ni Bianca sa pagiging parte ng Legal Wives ng GMA?

“Greatest learning po is that to respect and to be open sa lahat ng bagay.

“Relihiyon man yan, kulay ng tao, anong lahi ng tao, sa lahat.

“Because if you learn how to respect each other, the world would be very. very, very, very peaceful.”

Ngayong Biyernes, November 12 ang finale episode ng Legal Wives kung saan gumaganap si Bianca bilang si Farrah na isa sa tatlong asawa ni Ismael played by Dennis Trillo; ang dalawa pang legal wives ay sina Amirah (Alice Dixson) at Diane (Andrea Torres).

Napapapanood ang Legal Wives 8pm bago ang To Have And To Hold. 

Leave a comment