If he gets the spot, Arjo Atayde plans to focus on education, healthcare, employment

Nag-file na ng kanyang Certificate of Candidacy ang award-winning actor na si Arjo Atayde last October 8, umaga, sa Office of the Regional Election Director ng COMELEC-NCR sa Intramuros, Manila. 

Tatakbong independent candidate si Arjo bilang Congressman ng First District ng Quezon City.

“Pagsisilbihan ko nang tapat ang District 1 ng Quezon City. Hindi ko lolokohin ang mga kababayan natin at hindi ako magnanakaw,” paunang pahayag ni Arjo pagkatapos niyang mag-file ng COC.

Kabilang sa mga plataporma ni Arjo ang edukasyon, healthcare, employment, frontliners, at gusto niyang solusyunan ang pagbaha sa West Riverside.

Bagama’t tatakbong independent at walang partido si Arjo, suportado naman siya ng incumbent mayor ng Quezon City na si Joy Belmonte.

Present si Mayor Joy sa filing of COC ni Arjo at itinaas pa nito ang kamay ng aktor.

Syempre buo rin ang suporta ng mga magulang ni Arjo na sina Art Atayde at Sylvia Sanchez kaya sinamahan nila ang anak sa COMELEC

Ayon kay Sylvia, suportado niya si Arjo sa layunin nitong magsilbi sa mga taga-District 1 ng Quezon City. Pero binalaan niya ang anak na huwag magiging corrupt.

“Suportado kita anak. Kung papalarin kang manalo, magsilbi ka nang tapat at totoo. At wag na wag kang manloloko o magnanakaw dahil pag ginawa mo yun ako mismo ang kakastigo sa iyo,” bilin ng award-winning actress at loving mother ni Arjo.

Leave a comment