Sexy actor ang packaging kay Derek Ramsay pero may mga pelikulang namang napansin siya kung saan ay hindi na niya kinailangang maghubad at magpakita ng abs.
Katunayan, nanalo siya ng kanyang unang best actor award sa MMFF sa surprise festival hit at wholesome movie na “English Only, Please” kabituin si Jennylyn Mercado.
Ayon pa kay Derek, hindi naman niya minamasama kung maghubad siya at malinya siya sa mga adult dramas.
“I have been paired to a lot of celebrities at hindi nawawala iyong love scene. I did movies for Viva where I had love scenes with Anne (Curtis), Cristine (Reyes) and Andi (Eigenmann) and also with Star Cinema with Coleen (Garcia) as my partner”, kuwento niya.
Isa sa ipinagmamalaki ni Derek na sa dami na niyang nakapareha ay walang naging isyu tungkol sa kanya as far as his leading ladies are concerned.
“Modesty aside, I’m proud na walang naging isyu sa akin na kesyo presko o nambastos o nag-take advantage ako sa mga ka-love scene ko. As an actor, that’s part of my job and I have to deal with it professionally”, aniya.
Patakaran at prinsipyo kasi ni Derek na irespeto ang kanyang mga katrabaho sa set lalo na kung mga kababaihan ito.
Inamin din niyang kakaiba ang kanyang pelikulang “The Escort” ng Regal Entertainment sa mga nagawa na niyang sexy dramas.
“It’s very different kasi usually it’s two girls fighting over a guy or adultery is involved, dito walang drama. It’s looks like that Gary (Boyet) is the third party. He’s using his connection to get what he wants because he is rich. The two people here madly in love are Xyruz, my character and Yassi, that of Lovi’s”, sey niya.
First time rin niyang maka-love scene ang award-winning actress na si Jean Garcia.
“Noong una, nanibago ako kasi she’s a veteran actress. I feel awkward at first, parang na-pressure ako kasi I have to make love with her, kasi I haven’t done it with a cougar. I have to make her comfortable and after the scene, I’m happy to hear a compliment from her. For her to say that I felt say with you was sort of flattering dahil inalalayan ko naman talaga siya”, pagtatapat niya.
Hindi rin ikinaila ni Derek na siya ang tumanggi para kay Lovi na gawin nila ang dog style position ng sex sa pelikula na nakasaad sa iskrip.
“I think iyong dog style is not appropriate. It wasn’t an actual scene but it’s in Gary’s (Boyet) head na nagse-sex kami. I approached our director and said my part at iyong concern ko kay Lovi at naintindihan naman niya ako at nagpasalamat sa akin si Lovi. Lovi, being a pro, is willing to do it but I was the one turned it down and suggested another. It’s gonna hard also to portray how passionately you’re in love kasi when you do dog style, but I understand, in some cases, for cinematic purposes, when you are in love with your partner, you tend to experiment and explore a lot of things including sexual positions”, paliwanag niya.
Papel ni Xyruz, isang ex-escort na nag-recruit kay Yassi (Lovi), isang birhen sa kanyang escort agency ang role ni Derek sa “The Escort”.
Mai-in love siya kay Yassi samantalang isang real estate manager namang nagngangalang Gary (Boyet) ang magkaka-interes sa dalaga at gagawin ang lahat para mapasakanya ito at dito iikot ang conflict ng pelikula.
Maraming maiinit na mga eksena sina Derek at Lovi sa “The Escort”, ang inaabangang sexy drama ng taon sa direksyon ng award-winning director na si Enzo Williams na mapapanood na sa buong bansa simula sa Nobyembre 2.
For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.