How these two working women take care of their skin

Si Jessa Zaragoza ang latest na endorser at parte na ng start-studded na BeauteDerm family.

Opisyal na sinalubong ng Beautéderm Corporation ang Phenomenal Diva na ang stellar line-up of celebrity brand ambassadors ay kinabibilangan ng Face of BeauteDerm na si Ms. Sylvia Sanchez at Face of Beautederm Home na si Marian Rivera.

Kasama rin dito ang mga nagniningning na bituin na sina Ms. Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Carlo Aquino, Arjo Atayde, Ria Atayde, Ejay Falcon, Ken Chan, Sanya Lopez, Glydel Mercado, Tonton Gutierrez, Alma Concepcion, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Alex Castro, at marami pang iba.

Kilala sa kanyang classic and radiant beauty, siguradong gagawa ng beautiful harmonies si Jessa kasama ang Beautéderm habang papasok sila sa isang maganda at bagong yugto ngayong 2020.

Dalawang taon nang loyal user si Jessa ng mga FDA Notified products ng Beautéderm label na consistent recipient ng Superbrands award.

Naghahanap ng quality line of products si Jessa noong siya ay nasa late 30’s. Nais niya ng mga produktong mapagkakatiwalaan sa pag-maintain ng youthful glow ng kanyang skin lalo na noong malapit na siyang mag-40, nang una niyang nakilala ang Beautéderm sa pamamagitan ng mga passionate testimonies ng kanyang mga kaibigan mula sa industriya.

“Sobrang daming magagandang kuwento ang naririnig ko tungkol sa Beautéderm kaya bumili ako ng skin set nila na talagang sikat na sikat. Gusto kong subukan yung product at nakakita ako agad ng positive results at talaga namang na-in love ako sa Beautéderm.

“Inirerekomenda ko ang brand sa bawat working mom in her 40’s. Busy man tayo sa trabaho at sa pag-aalaga sa ating pamilya, pero importante rin na alagaan natin ang ating sarili gamit ang mga produktong ating pinagkakatiwalaan,” saad ni Jessa na kilalang nakikipag-partner lamang sa mga brands na talagang kanyang ginagamit.

“When I do endorsements, mahalaga na naniniwala ako sa brand at sa mga produkto nito. Beautéderm is a brand that I am proud to recommend, especially to my loved ones, to my fans, and to mothers like myself who are looking for effective, quality beauty products na siyempre hindi mabigat sa bulsa. Maligaya ako at nadiskubre ko ang Beautéderm at proud akong makipag-partner sa amazing brand na ito sa pag-maintain ng natural glow ng aking skin,” sabi pa ni Jessa.

Sobrang naniniwala si Jessa sa brand kaya todo naman ang pag-promote niya sa Beautéderm sa kanyang social media platforms, hanggang naging kaibigan niya ang President at CEO ng kompanya na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.

“Nagsimula ako bilang radio DJ after ng college at isa si Jessa sa pinakasikat na OPM artist noon. Fan ako ni Jessa at ang saya ko to connect with her especially when I learned that she is a loyal Beautéderm user at super happy ako that she is now part of the family,” wika naman ng lady boss ng Beautéderm.   

Maliban sa skin set ng Beautéderm, ang iba pang paborito ni Jessa ay ang Knee & Elbow Whitening Cream, Purifie Facial Wash, Beauté Tint, Beauté Balm, at ang Air and Fabric Freshener ng Beautéderm Home’s.

Para sa karagdagang updates at impormasyon ukol kay Jessa Zaragoza at sa Beautéderm, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

Leave a comment