How Snooky Serna protects herself, family from coronavirus

Sa nakalulungkot at nakakatakot na panahon ng mapaminsalang COVID-19, maging ang mga artista ay may pangamba dahil dito.

Base sa isang Q&A (question & answer) o interview via e-mail, narito ang mga pag-iingat ng aktres na si Snooky Serna laban sa pandemic na bumabalot ngayon sa buong mundo.

Ano ang mga protective measures na sinusunod niya at ng kanyang pamilya upang mapigilan ang lalo pang pagkalat ng sakit na ito?

“Frequent hand washing or hand sanitizing.”

Paano sila naghanda para sa lockdown?

“My brother Anton does the grocery for our home. Yes, we stocked up on essentials.”

Bago pansamantalang nawala sa ere ang show nila Snooky na Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday ay masaya ang aktres dahil sa magandang performance nito sa ratings game.

“Thank God for giving us everyone involved with the show that we are able to entertain the TV audiences. I am very grateful.”

Kumusta ang working relationship nila sa isa’t isa habang ongoing ang taping nila?

“We have a good relationship and rapport with each other. We have a healthy atmosphere on set.”

Kumustang kaeksena sina Barbie Forteza at Kate Valdez na mga bidang millennials sa show? Humihingi ba sila ng tips sa kanya on how to execute a scene and advices on a being an actress?

“Barbie and Kate are so giving and supportive as well as they are both very professional and kind,” pahayag ni Snooky.

“They also ask advice although you can see that they are both confident in what they do.”

Ayon pa sa beteranang aktres, “I am more humbled than proud to be given the part of Waray in Anak ni Waray vs. Anak ni Biday and my role as Amy/Waray here is very different from the original version, very interesting ang role.”

Sa pansamantalang paghinto ng taping nila dahil nga sa COVID-19, tiyak daw na mami-miss ni Snooky sina Barbie at Kate,  at sina Dina Bonnevie, Ms. Celia Rodriguez, Migo Adecer, Teresa Loyzaga, Jay Manalo, Tanya Montenegro, at ang direktor ng show nila na si Direk Mark Dela Cruz.

Sa ngayon ay pansamantalang napapanood sa timeslot ng Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday sa GMA ang Kambal Karibal.

Leave a comment