How Miko Pasamonte ends 2020, welcomes 2021

Maganda ang pasok ng 2021 para kay Miko Pasamonte, na kilala ngayon sa tawag na The Newest Male Sex Symbol. 

Sunud-sunod kasi ang blessings na natatanggap ni Miko na nagsimula pa noong last quarter ng 2020 hanggang sa kasalukuyan.

Aabangan na ngayong January 2021 ang pagpapalabas ng pelikula kung saan kabilang siya sa main cast, ang Anak ng Macho Dancer, directed by Joel Lamangan and produced by Godfather Productions ng mabait na producer na si Joed Serrano kasama ang Blackwater. 

Kabilang din sa cast sina Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Allan Paule, Jay Manalo, Emilio Garcia, Jim Pebangco, Elora Españo, Ricky Gumera, Charles Nathan, Eisel Serrano, Mhack Morales, at ang bidang si Sean De Guzman. 

Kaya naman maituturing daw ni Miko na taon niya ang 2021. Pag-amin pa niya nang ma-interview namin siya via Zoom, “Masasabi ko na parang taon ko kasi… huwag magagalit yung iba… Pero ang pakiramdam ko kasi lahat naghirap nitong pandemic e.

“Pero ako binuhusan ako nang binuhusan ng blessing e. Naranasang ko rin naman yung pandemic, na maghirap dahil nga nagsara yung mga shop ko.

“Pero bumawi si Lord sa akin. Tuloy-tuloy Niya akong binuhusan ng blessings. Yung nawalang pera sa akin, naibalik Niya, sobra-sobra pa.”

Malaking blessing nga para sa kanya ang pagdating sa buhay niya at pagbigay sa kanya ni Lord ng manager niyang si Joed Serrano.

Napakalaki raw nang naitulong nito para muling makabangon siya, at the same time ay nakabalik pa siya sa showbiz at paggawa ng pelikula. Binigyan pa siya ng house and lot ni Joed. 

May wish pa ba si Miko ngayong 2021? 

“First, matapos na itong COVID kasi nahihirapan na tayong lahat. Sana alisin na ito ni God. 

“Yun namang wish ko para sa akin natupad na ni God e. Ang pinaka-wish ko talaga is magkaroon ng house and lot. 

Pero sobra pa roon yung binigay ni God sa akin.

“Ang hinihiling ko lang sa Kanya, sabi ko, ‘Lord, tulungan niyo akong makapag-ipon kasi gusto kong makabili ng bahay kahit maliit lang, kahit yung nasa worth P500,000 lang.

“Kasi may nakita na ako, pinuntahan ko. So, wala pang 5 o 6 months yata dumating si Joed.

“Ayun in-offer-an ako ng project. Yung hiling kong worth P500,000 naging P5 million. Kasi yung bahay na ibinigay sa akin ni Joed worth P5 million.”

Ano naman ang wish niya para kay Joed? 

“Ang wish ko kay Joed, huwag na huwag siyang magkakasakit at huwag siyang mawawala.

“Kasi pag si Joed ang nagkasakit, believe it or not, maraming taong maaapektuhan dahil ang dami-daming taong umaasa sa kanya.

“Imagine niyo guys mayroon siyang 200 tauhan or more than pa na umaasa sa kanya, na pinapasahod niya. Tapos mayroon pang mga taong gaya ko na tinutulungan niya nang sobra-sobra rin. 

“Katulad na lang ni Miss Everything (sikat na vlogger/YouTube), gusto niya ring bilhan ng bahay.

“Yung sinasabi ng iba na, ‘Ay, kaya binilhan ng bahay si Miko kasi may kapalit iyan.’ E bakit si Miss Everything gusto niya ring bilhan ng bahay, e bading yun, di ba? Kasi si Joed gusto niya talagang makatulong.”

Bukod sa Anak ng Macho Dancer, marami pang naka-lineup na mga pelikula at projects si Joed para kay Miko. Kaya expect more of The Newest Male Sex Symbol Miko Pasamonte ngayong 2021.

Leave a comment