Hiro Peralta on his first leading man role opposite Kris Bernal; grateful to be working with Superstar Nora Aunor

Ruben Marasigan

by Ruben Marasigan
Hiro Magalona-K75 copyFinally, Kapuso young actor Hiro Magalona gets his first leading man role on GMA 7’s latest drama series ‘Little Nanay.’ Siya ang kapareha ng bida rito na si Kris Bernal.
“Siyempre noong una po, parang may first day syndrome po ako so medyo kinabahan. Pero no’ng first taping day lang po, after that ay nawala na ‘yon sa system ko.”

“Sa story, kababata po ako ni Kris. Tapos no’ng naging teenager kami, nangyari na nabuntis ko siya. Mawawala ako sandali. And then pagbalik ko, do’n ko lang malalaman na nagkaanak pala kami.”

“Challenging ‘yong role ko bilang isang nakabuntis na hindi pa handa sa responsibilidad ng pagiging ama. Parang nasayang ‘yong chance ko na magkaroong ng magandang future dahil sa nangyari. Mahirap ‘yong character ko kasi magulo ang isip, laging erratic. I consider this na biggest break ko. Kaya talagang no’ng sinabi sa akin ang tungkol dito, talagang natuwa po ako at na-excite nang husto. Marami pong mabibigat na eksena. Na talagang nahirapan po ako pero nagawa ko naman po nang maayos.”

Kasama rin sa cast ng Litlle Nanay si Nora Aunor na gumaganap bilang Lola ni Kris. Dahil first time na niyang makatrabaho ang Superstar, hindi umano naiwasan ni Hiro ang kabahan sa unang eksena nila.
“ Pero sa sunod na taping day namin, okay na. At ease na ako. Yung pinakahuling eksena namin ni Ate Guy, ‘yong nalaman niya na nabuntis ko si Kris na apo niya. Susugurin niya ako sa bahay at iiyak ako in front fo her.
nora-aunorAt first, hirap akong umiyak. Pero natatangay ako at napaiyak na rin nang ibinato na ni Ate Guy ‘yung line niya. Dream ng maraming artista na makatrabaho si Ate Guy. Kaya I consider myself na suwerte na nabigyan ako ng chance to work with her.
“Magandang experience na makatrabaho siya. And I really admire her hindi lang dahil magaling siyang aktres kundi napaka-humble niya. Para sa kanya, walang mas nakakaangat. Walang mas malaking artista. Nakakatuwa rin na parang anak na agad ang turing niya sa akin.

Si Ricky Davao ang kanilang direktor. First time daw niyang makatrabaho ito. “Okay naman po siya bilang direktor. Parang Direk Maryo (Delos Reyes, na nakatrabaho ni Hiro ‘Sa Pari Koy’) ‘yung sistema niya ng pagdidirek.
“At parang hindi naman po ako nanibago. Kasi ‘yung production staff, same din po no’ng sa ‘Pari Koy’ kaya wala na po ‘yung ilang ko pagdating sa working environment.”

Leave a comment