Hindi po ako namura ni direk Joel, nasigawan lang—Charles Nathan

Isa si Charles Nathan sa cast ng Anak Ng Macho Dancer. Mula ito sa Godfather Productions ni Joed Serrano.

Sa naturang pelikula, gumaganap si Charles bilang si Mario, na isang macho dancer. At dahil ‘yun ang role niya, kaya naman asahan nang makikita siya sa pelikula na nagsasayaw na naka-brief lang.

Aminado ang gwapong binata, na kinabahan siya nu’ng gawin ang mga eksenang ‘yun.

“Kasi first time ko pong ginawa ‘yun (pagsasayaw ng naka-brief) tapos sa movie pa,” sabi ni Charles nang makausap namin sa isang intimate chikahan with him.

Ipinaliwanag ni Charles kung bakit niya tinanggap ang Anak Ng Macho Dancer. 

“Nu’ng malaman ko po kasi na ang direktor namin ay si Direk Joel Lamangan, sobrang na-excite po ako. Kasi iba po si Direk Joel bilang isang direktor.”

Kamusta ang experience working with Direk Joel, na kilala na nagmumura at naninigaw na direktor? Na-experience niya na bang mamura o masigawan ni Direk Joel? 

“Opo, na-experience ko na po ‘yun,” sagot ni Charles.

“Du’n po kasi sa first shooting day ko sa kanya, tinatawag niya ako sa role ko bilang si Mario. Hindi po ako tumitingin, kasi hindi pa nagsi-sink in sa isip ko na ako si Mario. Tapos, tumingin sa akin si Sean. Sabi niya ikaw si Mario, ganyan, ganyan. Bigla ko pong naisip na ako pala si Mario. Sabi ni Direk, “Move ka! Umatras ka pa! Ganyan, ganyan. Nasigawan niya po ako dahil..’yun po. Hindi po ako namura ni Direk Joel, nasigawan lang.”

Bukod sa Anak Ng Macho Dancer, ay may gagawin pang pelikula uli mula sa Godfather Productions si Charles. Ito ay ang life story ni Joed. Gaganap siya rito bilang young Joed. Si Wendell Ramos ang gaganap naman bilang old Joed. 

Ikinwento ni Charles kung paano siya napili/nakuha para gampanan ang buhay ng nabanggit na mega producer.

“Kasi naghahanap po si Sir Joed ng bagong artist na gaganap du’n sa Joed. Nabanggit po ru’n sa isang interview ko kay Mr. Fu, na kamukha ko si Wendell Ramos. Tapos napanood niya po ‘yun. Ayun po, pinahanap niya ako. Sobrang honored po ako na gampanan ang buhay ni Sir Joed.”

Bukod sa may hawig kay Wendell, maraming nagsasabi na may resemblance rin kay Alden Richards si Charles.

“Ayun nga po, napapagkamalan din akong si Alden po. Tulad po nu’ng nagpunta po ako sa isang mall, tapos naka-mask po ako. Nilapitan ako ng isang sales lady doon. Tinanong niya ako kung ako raw po si Alden. Siyempre nahihiya raw po silang magpa-picture. Sabi ko, ‘ay hindi po, hindi po ako si Alden!’ Natutuwa lang po ako na napagkakamalan akong si Alden.”

Given a chance, sino ang gusto niyang makatrabaho at makatambal na babaeng artista?

“Tatlo po sila,eh. Si Liza (Soberano), tapos si Kathryn (Bernardo) at ‘yung crush ko po, si Sue Ramirez,” sagot niya.

Bakit niya crush si Sue?

“Kasi po roon sa Pangako Sa ‘Yo (defunct drama series nina Daniel Padilla at Kathryn), kumanta po siya roon. Sobrang ganda ng boses niya, tapos magaling po siyang umarte.”

Sa mga artistang lalaki, si John Lloyd Cruz ang gustong makatrabaho ni Charles Nathan. 

“Sobrang galing po kasi niyang umarte, lalo sa drama,” sabi ni Charles tungkol kay Lloydie.

Maraming plano at nakalinya kay Charles ang Godfather Productions bilang kauna-unahang talent nito.

Bukod sa Anak ng Macho Dancer at Joed..The Movie, ay may gagawin rin siyang pelikula with Nora Aunor titled Kontrabida.

Bukod pa rito ang launching movie niyang Matinee Idol, Mga Batang Tondo at Super Pogi. O di ba, maswerte si Charles na napunta siya sa pangangalaga ni Joed?

Leave a comment