Haunts and sings: Will they sell it?

Maraming pelikulang dapat abangan ngayong December 25 sa pagdiriwang ng Metro Manila Film Festival.

Hindi lamang pinagkagastusan ng mga producer ang mga pelikulang kalahok kundi pinaganda pa ang mga ito.

Isa nga sa mga kaabang-abang ang nag-iisang horror film mula sa Regal Entertainment ay ang pelikulang Haunted Forest na idinirehe ni Ian Lorenos at tampok ang mga millennial stars na sina Jane Oineza, Jameson Blake, Maris Racal at Jon Lucas.

img_20171215_223403

Punung-puno ng katatakutan ang pelikula kaya sa mga horror fanatics ay ito ang pwedeng pelikula na inyong panoorin.

Base sa trailer na amin nang napanood, nakakamangha ang special effects ng pelikula at talaga namang nakakasindak ang mga eksena.

First time magbida sa pelikula sina Jane, Jameson, Maris at Jon.

Bilang mga baguhan sa pelikula ay makakalaban nila sa MMFF ang mga established at box-office stars na tulad nina Vic Sotto, Coco Martin, Daniel Padilla, Vice Ganda, Derek Ramsay, Jericho Rosales at marami pang iba.

img_20171212_093050

Naniniwala ang mga bagets na malaki ang tsansa nila na papanoorin ang kanilang movie lalo pa’t sabi nila ay maganda ito at magugustuhan ng buong pamilya. Sure daw sila na isa ito sa mga kakagatin ng mga manonood.

**********************

Usap-usapan pagkatapos ng press preview ng pelikulang “Ang Larawan” kamakailan sa Promenade Theatre sa Greenhills ang husay sa pag-arte ni Joanna Ampil.

ang-larawan

Umani ng papuri ang pagganap niya sa naturang pelikula.

Outstanding ang performance ng stage actress na puwedeng kabugin si Jennylyn Mercado na may entry rin sa MMFF na “All of You.” Sila kasi sigurado ang pukpukan para maglalaban sa Best Actress.

Bukod kay Joanna, tampok din sa pelikula sina Rachel Alejandro at Paolo Avelino na nagpamalas din ng kahusayan sa pag-arte.

Bukod sa kanilang kahusayan, mahusay din ang pagkakagawa ng pelikula na pwede itong mangabog sa takilya dahil sa ganda ng pagkakagawa ng pelikula.

Isang musical drama film ang “Ang Larawan” kaya naman kakaiba itong putahe na puwedeng panoorin ngayong holiday season.

Pelikulang magmumulat sa mga Pilipino na mahalin ang sariling atin at kultura.

Inirerekomenda namin na panoorin ninyo ang pelikulang ito na maganda na, marami ka pang matututunan at malalaman bilang isang Pilipino na may malasakit sa lupang tinubuan.

Leave a comment