Haters can’t stop Coco; Ang Probinsyano is back

Ang top-rating series ng ABS-CBN 2 na FPJ’s Ang Probinsyano, na pinagbibidahan ni Coco Martin ay magbabalik na sa ere.

Muli itong mapapanood sa telebisyon. 

Pero dahil pansamantala pang nakasara ang ABS-CBN 2, kaya mapapanood muna ito sa Kapamilya channel na available sa SKY, Cablelink, G Sat, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable Television Association (PCTA) sa buong bansa, simula sa June 13.

Ang una munang mapapanood sa Pambansang Teleserye ay ang ten-episode recap nito, bago i-release ang bagong episodes nito.

Bukod sa FPJ’s Ang Probinsyano, mapapanood ding muli sa Kapamilya channel ang seryeng “A Soldier’s Heart” sa weeknights, na pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Elmo Magalona, Yves Flores, Nash Aguas, Jerome Ponce at Carlo Aquino, at Love Thy Woman, na bida si Kim Chiu, sa weekdays at pati na rin ang  noontime variety shows na “It’s Showtime” at ”ASAP Natin ‘ To” sa kanilang live presentation.

Leave a comment