Hashtags member Kid Yambao not afraid to have a kissing scene with gay co-star in ‘Two Love You’

Isa si Kid Yambao (Hashtags member) sa bida sa indie film na “Two Love You” produced by OgieD Productions, Inc., in cooperation with Lion Wolf Productions, Inc., at sa direksyon ni Benedict Mique. 

Dalawa ang kapareha niya rito, sina Yen Santos at ang komedyanteng bading na si Lassy Marque.

Kung sakaling magkakaroon ng kissing scene si Kid kay Lassy, ay okey lang naman daw ‘yun sa kanya.

“Hindi pa namin ‘yun napapag-usapan ni direk, pero kung sakaling meron, okey lang, para lang ‘yun sa trabaho,” sabi ni Kid nang makausap namin sa storycon ng “Two Love You.”

Paano kung torrid kissing scene, okey lang din ba sa kanya?

“Bahala na kung ano ‘yung maging desisyon ni direk. Saka siyempre, may hinahabol kaming image.”

Dahil sa naturang pelikula ay may karelasyong bading si Kid, hindi ba siya nababahala na baka isipin ng tao, na ganundin siya sa totoong buhay, na nakikipagrelasyon sa bading.

“Okey lang naman kung ‘yun ang isipin ng mga tao, wala akong magagawa. Kung ano ‘yung napanood nila, ‘yun ang iisipin nila na ginagawa ko.  Pero hangggang sa pelikula lang naman ‘yun.”

So, hindi siya makikipagrelasyon sa bading? Hindi niya magagawang ma-inlove sa bading?

“Hindi, eh. Straight ako, eh. Parang malabo,” natatawang sagot ng bida sa pelikulang produced ni Ogie D.

“Wala naman akong against sa mga pumapatol sa bading, pero ako, hindi ko kaya, eh.”

Sa tingin ba niya ay matatanggap ng mga kabataan ang ganitong set up ng istorya ng kanilang pelikula?

“Sa tingin ko naman, oo. Kasi nangyayari na rin naman ‘yun sa totoong buhay, eh. Normal na naman ‘yung mga ganung pakikipagrelasyon ng lalaki sa gay.”

Kung sa pelikula ay may karelasyon si Kid, at dalawa pa, sa totoong buhay ay single siya.

“Wala akong girlfriend ngayon. Yung huling girlfriend ko, two years ago. Hindi ko muna iniisip magka-girlfriend kasi marami akong ginagawa.”

Wala mang lovelife si Kid ay may sex life naman daw siya.

“Oo naman, may sex life ako. Anong ginagawa ng mga kamay ko? Ayan nga, puro paltos na siya, eh,” natatawang sabi ng binata.

Samantala, aminado ang Hashtags member na malaki ang nagawa sa kanya ng pagiging miyembro niya ng Hashtags at ang pagkakasama nila sa It’s Showtime.

“Maraming-maraming nabago. Nakakatulong na ako ngayon sa pamilya ko, sa mga gastos. Napapag-aral ko na rin ‘yung mga kapatid ko, at may kaunti na rin akong saving.

”Nakakatuwa rin sa sarili, at ‘yun naman talaga ang gusto ko. Pero ang pinaka-main goal ko talaga, ang mapauwi ko ‘yung lola ko from the States.  Kasi nandoon pa siya, eh, nagwo-work.”

Leave a comment