‘Happy Time’ live show today will not push through? Kitkat, Janno still not okay

Aware kami sa gusot na nangyari sa host ng Happy Time na sina Kitkat at Janno Gibbs sa segment na Kantanungan sa Net25.

Guest sa nasabing segment ang veteran singer na si Marco Sison na bale, kalaban ni Janno sa game.

Dito nga naganap ang insidente kina Janno at Kitkat, na sa nasabing taping ay absent ang isa pang kasama nilang host na si Anjo Yllana.

Nakakausap namin si Kitkat mula nang pumutok ang alingasngas na ito, ngunit bilang respeto sa kanilang show at sa mga kasamahan dito, pati sa mga taong behind the cameras, lalo na sa mga bossing ng Net25, ayaw talagang magkomento ni Kitkat ukol sa insidente.

Nagpost si Kitkat sa kanyang Facebook account last Feb. 23 nang ganito:

“Maraming salamat sa suporta at pagmamahal ninyo. Dahil ako po ay minamahal ninyo at alam kong blessed ako, AKO PO AY NAKAPAGPATAWAD NA!

“Sino ba naman ako para hindi magpatawad, ang DYOS pinatawad ako sa mga kasalanan ko, nararapat lamang na ako ay magpatawad. Makakagaan sa aking buhay at loob.

“Opo sa lahat ng nangyari, totoo po lahat ‘yun, pero again AKO PO AY NAGPAPATAWAD NA. Thank YOU LORD for the strength.”

Nang nakita namin ang FB post na ito ng versatile na singer/TV host/comedienne ay nag-PM kami sa kanya kung ano ang latest development sa kanila at kung nagka-ayos na ba sila ni Janno?

Reply sa amin ni Kitkat, “Opo mahirap sa una, sakit sa dibdib, mabigat pa rin nung una, naisip ko si Ate cherry pie, pinatay nanay nya pero nagawa nyang magpatawad.

“I grew up na pinapahalagahan ang word of God at sagrado katoliko kami at lumaking may takot sa Dyos kaya humawak ako ng Bible at I chose to be the bigger person.

“Totoo naman lahat ang nangyari. Nasaktan ako nang sobra, galit pamilya ko pero sino ba naman ako para di patawarin.

“Everybody needs a second chance kahit sabi ng iba na ilang chance na yan kay Kuya Janno. 

“Pero ito, inisip ko kausap ko si Lord pano kung mamatay ako bgla di ako papatawarin ni Lord sabihin nya ABA E DI MO NAGAWA PATAWARIN NAGKASALA SAYO BAT KITA TATANGGAPIN.

“Hindi po bagay sakin pero ganun po talaga kami ng pamilya ko. Kaya pati ang mga tao sa show I spoke for them kasi kako wala silang boses.”

Balita rin namin na hindi na live mapapanood mamaya (Wednesday, Feb. 24) ng tanghali ang Happy Time. Nakatakda kasing mag-live ang show mamaya dahil hindi na ipinalabas ang kanyang episode kung saan nag-solo si Kitkat after the incident. Let’s see kung live ba o hindi.

Siguro, water under the bridge na lang kung misunderstanding man ang nangyari kina Kitkat at Janno, kung pikunan ito, or anoman.

Pero sana lang, kung ano man ang naging ugat ng usaping ito ay matuldukan na nga at hindi na maulit.

After mag-post ni Kitkat ay may mainit naman na sagot si Janno:

“Nagpakumbaba napo ako. Tiniis ko ang pangBabash ng mga tao sa akin at sa aking pamilya.

“Humingi napo ako ng tawad, kahit na siya ang tunay na nagumpisa ng lahat.

“I was provoked. Pinahiya sa harap ng maraming tao sa studio.”

“Pinag-ayos napo kami kanina. Akala ko ay ayos na. Tinanggap ko napo kahit hindi niya ako sinuklian ng paumanhin.

“Ngunit ngayong gabi ay nagpost nanaman sya. Pinalabas na wala siyang kasalanan. Hindi ko napo kayang palampasin ito.”

“Kailangan ko nang ipagtatanggol ang aking reputasyon at higit sa lahat ang aking mga anak, na nkatanggap din ng batikos sa mga tao.

“Oras na para malaman ng tao ang Buong katotohanan.”

Leave a comment