Gwen Zamora denies alleged falling-out with best friend Ellen Adarna

mildred@bacud
by Mildred Bacud

Nagsimula sa show na Showbiz Unlimited ang blind item tungkol sa sexy actress at bestfriend nitong aktres na inagawan daw niya ng boyfriend. After a month ay lumabas na ang identity ng bida sa blind item na ito na walang iba daw kundi sina Ellen Adarna at Gwen Zamora na in real life ay dating mag-bestfriend. Unang nagbigay ng reaksyon si Gwen na tinanggi ang nasabing isyu kahit pa may mga bashers na nagkukumento kung paano niya ipapaliwanag ang mga larawan ng dating boyfriend na si Raymund Romualdez kasama ang kaibigan na si Ellen. Ganun din ang pagtanggi ng sexy actress na aniya ay kakikita lamang nilang magkaibigan last week.

B5JOc6cCAAEsL5I

Well, hindi namin maintindihan kung bakit dini-deny ni Gwen ang tungkol dito dahil ayon mismo sa aming reliable source hanggang ngayon ay iniiyak nito ang break-up nila ng dating nobyo na ang dahilan nga raw ay mismong kaibigan.

[divider]

Bernard Palanca’s marriage with Meryl Soriano now annulled

tngina

Masaya at nakahinga na ng maluwag si Bernard Palanca dahil sa wakas matapos ang halos pitong taon ay annulled na rin ang kasal nila ni Meryl Soriano. May isang anak siya rito na si Elijah. Sa interview ng aktor sa TV Patrol, tinanong ang aktor kung mauuwi na ba sa kasalan ang relasyon niya kay Jerika Ejercito kung saan may isa naman siyang anak dito na si Isaah, sabi niya, “I don’t see this relationship going anywhere but there.” Biro pa nito, “ We’ll see if they give me enough shows to make that much.”

Leave a comment