Gwen Garci describes Jao Mapa: Napaka-cool katrabaho

Mag-live in partner sina Jao Mapa at Gwen Garci sa pelikulang Paraluman na mapapanood na sa Vivamax sa September 24, 2021.

Mula sa pamamahala ni Direk Yam Laranas, ito’y tinatampukan ng isa sa most promising stars ng Viva, si Rhen Escaño.

Sa pelikula, si Peter (Jao) ay kalive-in ng barangay worker na si Giselle (Gwen). 

Makikilala nila si Mia (Rhen) ang nakababatang kapatid ng kanilang kaibigan na galing sa probinsiya. Di magtatagal ay mahuhulog ang loob ni Mia kay Peter na di hamak na napakalaki nang tanda sa kanya, at nakatakda na rin silang ikasal ni Giselle.

Kailangang mamili ni Peter kung sino ang mananaig sa kanyang puso. Si Mia ba na halos dalawampung taon ang tanda niya at kadarating lang sa buhay niya o si Giselle na matagal na niyang kasama at walang ibang gusto kung hindi makasama siya habang buhay?

Ang former member ng Gwapings ay napasabak sa erotic-drama-love story na tema ng pelikulang ito. Nabanggit ni Jao ang papel na ginampanan dito.

“I play Peter, whose fiance is Giselle, played by Gwen Garci. I get into an affair with Mia, Rhen’s character,” pakli niya.

Inusisa namin si Jao kung sa palagay niya ay maninibago ang fans niya sa pelikulang ito?

Aniya, “Hindi naman siguro, I consider myself as a character actor. Nagawa ko na ang mga ganitong klaseng pelikula before. Mas kinakabahan ako kung ano ang magiging reaction nila sa aking pagbabalik.”

Ipinahayag din ni Jao na hindi naman nagselos ang wife niyang si Cecille sa love scene niya kina Rhen at Gwen.

“Very supportive ang misis ko, I asked permission from the beginning of this film and she gave me her blessing. Lahat naman ito blessings kaya trabaho ang trato sa proyektong ito, if it werent for her, hindi ko magagawa ang pelikulang ito,” sambit ng aktor.

Sa parte ni Gwen, nabanggit niyang sumabak siya sa mga daring na eksena rito.

“Ang role ko sa movie ay isang kapitana ng barangay, na sobrang love ang boyfriend niya na si Jao Mapa. At the same time, bipolar, at multi -tasking.

“Iyon po muna ang masasabi ko, panoorin nyo na lang po… kasi ibang Gwen Garci ang makikita nila sa pelikulang ito,” wika ng aktres.

Ayon pa kay Gwen, ang Paraluman ang isa sa pinaka-daring na projects na ginawa niya.

“Dito po kasi ay nag-topless ako, pero hindi ko alam kung isasama nila ‘yung eksena. At saka may butt na makikita rito, may pasilip… plus may shower scene rin.

“Actually, sa career ko naman ay marami na akong naipakita na daring. Siguro now, mas maganda kung ang papansinin naman nila sa akin ay ang acting ko. Hahaha! Kung kamusta ba ang acting ko?” Nakatawang hirit pa niya.

Anong klaseng katrabaho si Gwen?

Pahayag ni Jao, “Gwen has evolved from being a sexy star to an outstanding actress. I belive, and you can quote me on this, she will be the next Elizabeth Oropeza.

“I’m glad she was the one playing the role of Giselle, Peter’s fiance in the movie. Wala kaming workshop na ginawa tulad ng ginawa namin ni Rhen. Pero ang ganda ng kinalabasan na eksena sa mga bed scenes namin ni Gwen, superbly and flawlessly executed.”

Hindi ba nailang si Jao sa kanilang love scene at palaban ba ang aktor?

Nakangiting sambit ni Gwen, “Come back movie kasi ito ni Jao, so kailangan talaga na maging palaban siya.”

Paano niya ide-describe ang love scene nila ni Jao? Anong klaseng katrabaho si Jao?

“Paano ba?” sagot-tanong ni Gwen. “Nahihiya siya, tito and may pagka-conservative siya. Dito nga lang nagpa-sexy si Jao sa lahat ng movies niya. Kasi nga, comeback movie niya.”

Dagdag pa ni Gwen, “Mabait si Jao, nagkasama na kasi kami rati. Magaling siyang mag-painting at napaka-cool katrabaho.”

Mula sa Viva Films at Mesh Lab, kasama rin sa pelikulang Paraluman sina Melvin Lee, Angie Cantero Castrence, Raul Morit, at iba pa.

Leave a comment