GMA’s Primetime Queen supports Derrick-Barbie movie

Kagabi, April 10, ginanap ang premiere night ng pelikulang “Almost A Love Story” sa SM Cinema 7 sa Megamall.  

Present sa premiere night ang mga bidang sina Derrick Monasterio at Barbie Forteza.

Nandun din ang co-stars nilang sina Lotlot de Leon at Anna Capri, pati ang direktor ng pelikula na si direk Louie Ignacio.

Photo from Pilar Mateo, PSR columnist
Photo from Pilar Mateo, PSR columnist

Hindi rin nawala sa premiere night ang executive producer ng pelikula na si Baby Go.

Namataan din namin dun si Direk Neil Buboy Tan.

Present din sina Marian Rivera Dantes at Ai Ai de las Alas para bigyan ng moral support si Barbie na kasamahan nila sa Sunday Pinasaya.

Ang mga tagahanga nina Derrick at Barbie ay present din na walang sawa sa kasisigaw everytime na ipinapakita sa wide screen ang dalawa, lalo na kapag may sweet moments.

Pero ang mas tinilian nila ng husto ay nung maghubad ng tshirt si Derrick para mag-swimming.

Ang kinis at ang ganda naman kasi ng katawan ngayon ng young actor, may abs siya, bunga ng pagwo-work-out.

Natahimik lang sandali ang fans dahil sa twist ng story na talaga namang nagpaiyak sa lahat.

In fairness nagustuhan namin ang pelikula, huh! At may chemistry sina Barbie at Derrick.

Ang ganda nilang tingnan together sa pelikula. Showing na ngayon ang “Almost A Love Story.”

****************

Laging nagpo-post si Luis Manzano ng picure nila ni Jessy Mendiola sa kanyang social media accounts.

Ang huling post niya ay ‘yung nasa swimming pool sila ni Jessy na buhat-buhat niya ito.

img_20180411_110121

Isang basher ni Luis ang nag-comment, “Till when ang tamis?”

E si Luis, kilalang palapatol sa kanyang bashers, kaya naman sinagot niya ito sa pagsasabing, ”Pag nawala na ‘yung profile mo tungkol sa Diyos pero nagkakalat ng kanegahan.”

Talagang kasing init ni Luis ang summer, huh!

Leave a comment