Glaiza de Castro explores London to study music production

Pagkatapos magpakitang-gilas sa pelikulang Liway noong nakaraang taon, muli na namang mapapanood ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro ngayong Hulyo sa pelikulang  “My Letters to Happy.”

“Ako si Happy. Isa siyang spontaneous, masayang tao pero deep inside meron siyang baggage, meron siyang  imperfections, merong  void until she met Albert. Nagkaroon siya ng different angle sa buhay niya dahil nabago siya ni Albert,” kuwento niya.

Sey pa niya, na-miss niya ang paggawa ng love story at sobra siyang nakaka-relate sa kanyang role sa pelikulang ito.

“I have learned so much about the things you need to compromise, work on at iyong dapat mong i-accept sa isang relationship,” aniya.

“Kasi itong pelikulang ito  deals not only with the ups and downs of a relationship but also iyong mga challenges ng isang relasyon na hindi naman laging makulay,” dugtong niya.

Pagbubunyag pa niya, na-inspire rin daw siya sa paggawa ng pelikula dahil sa kanyang mga karanasan sa pag-ibig.

Sa kasalukuyan, si Glaiza ay may karelasyong Irish surfing instructor na nagngangalanng David Rainey.

Higit isang taon na ang kanilang relasyon ng boyfriend  pero noong Enero lamang niya ito ipinakilala sa publiko.

“Being in a long distance relationship is a challenge. Mahirap siyang factor. Pero ako naman, may mga ways sa social media pero at times talagang nafru-frustrate rin ako . I’m just grateful dahil iyong tao na naka-LDR ko, iyong partner ko  ay sobrang  patient. Doon ko nakitaan na parang kapag nasa relasyon ka, , kapag gusto mong mag-work , gagawa at gagawa ka  ng paraan . Never kong na-imagine na gagawin ko rin sa isang tao iyong ginagawa niya sa akin,” pahayag niya.

“Dumating pa kami sa point na nagsusulatan kami para lang ma-sustain iyong relationship. Sobrang old fashioned  siya  pero sobrang naa-appreciate ko iyon . Isa iyon sa mga factors na nasabi ko na “Grabe itong taong ito,” iyong patience niya na nai-imbibe ko rin,” dugtong niya.

Pagtatapat pa niya, never daw niyang naisip  na ang una niyang serious relationship ay sa isang dayuhan.

“Never in my life na naisip ko siya. Pero siguro, unconciously, naa-attract ko iyon , kasi ever since mahilig talaga ako sa kakaiba. And thankful naman ako na kahit nasa ibang bansa siya galing, yung foundation na hinahanap ko sa kanya—like, yung pagiging family oriented niya, very traditional din kasi siya.”

Hirit pa niya, itinuturing niyang blessing ang pagdating ni David sa buhay niya.

“Minsan kasi iniisip natin, very liberated sila, galing sila sa ganitong bansa, iba yung culture.

“Yes, it’s true, different yung culture nila. Pero may certain characteristics or factors na similar din sa atin. So may certain kind of familiarity kahit na ibang lugar siya galing,” esplika niya.

Si Glaiza ay kasalukuyang nasa London para mag-aral ng music production sa loob ng tatlong buwan.

Plano rin niyang i-explore ang iba pang lugar sa Europa tulad ng Paris at Spain habang naroon siya at nag-aaral.

Kabituin ni Glaiza sa “My Letters to Happy” sina TJ Trinidad, Allysa Valdez,  Juan Miguel Severo, Benj Manalo, Teetin Villanueva, at Odette Khan.

Ito ay mula sa produksyon ng I Am Who I Am Foundation, Inc at Keep Filming Productions at mula sa direksyon ni Pertee Briñas

Palabas na sa mga sinehan sa buong bansa simula sa Hulyo 17.

Leave a comment