German Moreno suffered mild stroke

by Mildred Amistad Bacud

how_long_does_kuya_germs_sleep__1392376849Kahapon ay tinakbo si German Moreno sa St. Lukes Hospital due to mild stroke. Nasa Acute Stroke Care Unit (ASCU) siya ng nasabing ospital. Ayon sa malapit sa TV host na nagkwento sa amin, bukod tanging ang anak niyang si Federico ang nakakabisita sa kanya. Ayaw pa raw tumanggap ng bisita ni Kuya Germs. Sa kung anong kondisyon ng ama, sey ni Federico sa kanyang Facebook,

“His right leg is at 50% mobility. 0% on his right arm and a bit slurry on his speech. We humbly ask for your prayers for his quick recovery. Pls pray for Papa.”

Ang isa sa mga huling events na dinaluhan ni kuya Germs bago ito naospital ay ang wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera last December 30.

Ang aming pagdarasal sa mabilis na recovery ni Kuya Germs. Last December 21 lamang ay pinasaya niya ang buong officers and members ng Philippine Movie Press Club (PMPC) nang dumalo ito sa aming Christmas Party, kaya naman mahal siya sa showbiz industry.

************

li06Maganda ang bungad ng taon kay Aiko Melendez dahil matapos ang mini-series niyang ‘The Gift Giver’ ay binigyan na naman siya ng panibagong teleserye sa Kapamilya network. Magiging ina siya ni Alex Gonzaga sa TV Remake ng ‘ Inday Bote’ na pinagbidahan ni Maricel Soriano no’ng 80’s. Lovelife na lamang daw ang kulang sey ng aktres na malaki na rin ang ipinayat.

Leave a comment