Gerald Santos staged almost 600 performances in Miss Saigon UK

Umani ng papuri ang ipinagmamalaki ng Pinas na si Gerald Santos dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang THUY sa Miss Saigon UK na umabot ng halos 600 na pagtatanghal.

Bunga ng kanyang kasipagan at pagmamahal sa trabaho, sunud-sunod ang kanyang blessings. Sa darating na May 4, sa The Theatre at Solaire, ay masasaksikan ang kanyang first major concert titled GERALD SANTOS: THE HOMECOMING CONCERT.

Swak na swak ang title ng concert kay Gerald dahil regalo nya ito sa lahat ng Pinoy fans na walang sawang sumuporta sa kanya as he goes home, na sobrang na-miss n’ya ang bansa.

Matagal na nag stay ang singer sa UK para sa Miss Saigon kaya ganun na lamang ang kanyang kasabikan sa bansa. Biruin mo isang Pinoy ang pinapalakpakan sa international stage. Talagang kahanga-hanga ang naging takbo ng kanyang karera.

Kapag nagkukwento ang gumanap na Thuy, iba pa rin daw ‘yung makapag perform ka sa harap ng Pinoy audience, kaya sa kanyang major concert ay maraming dapat abangan. For sure ipapamalas n’ya ang kanyang magandang boses. 

Makakasama n’ya sa major concert sina Jake Zyrus, Aicelle Santos, Joreen Bautista, at Leo Valdez. Malapit kay Gerald ang mga pinili n’yang special guests na paniguradong magpapamalas din ng hindi makakalimutang performances.

Hinding hindi makakalimutan ni Gerald ang experiences sa Miss Saigon UK, ang mga nakatrabaho n’ya, ang mga pinuntahan n’yang lugar sa UK. Lahat ng lessons ay babaunin n’ya. Nagkaroon man ng pagbabago sa kanya, ay hinding hindi s’ya malilihis sa kung sino s’ya bilang isang tao.

Iba rin talaga ang nagagawa ng determination at kung may talent ka talaga, magtatagumpay ka. Just like Gerald na ginamit ang kanyang talento sa pag-abot ng kanyang pangarap. Congrats, Gerald! 

Leave a comment