Gerald Santos received unfair treatment during Jed Madela’s concert

mildred@bacud
by Mildred A. Bacud

gerald-santos1-300x336Kung ilang beses na rin nalalagay sa mga kontrobersiya si Jed Madela, but this time involved naman ang kanyang manager na auntie rin niya na si Annie Mercado. Umalma ang kampo ni Gerald Santos lalo na ang manager nito sa ginawang pagtrato sa kanyang alaga.

UntitledAccording to our source, ang Pink Production na siyang producer ng nasabing concert ni Jed last May 8, entitled “All Requests 5,” ang nag-invite kay Gerald na maging guest. Proud naman siyempre ang singer dahil malaki ang paghanga nito sa world class singer. Hanggang sa mag-rehearse na nga si Gerarld for the said concert but to his surprise ay ayaw siyang pagamitin ng areglo at sinabing minus-one na lamang daw. Ang nakakaloka gusto pa siyang gawing front act na lamang, meaning hindi siya part ng mismong concert. Nainsulto si Gerald at ang manager nito sa maliit na pagtrato sa kanila. Hindi naman singer-singeran lang si Gerald. He was a grand winner of ‘Pinoy Pop Superstar’ at ilang albums and concerts na rin ang nagawa niya. In fact this June 13 ay magaganap ang kanyang major concert sa PICC entitled,“Metamorphosis.”

In fairness, wala namang kinalaman si Jed sa nasabing isyu dahil ang tinuturo ay ang manager nito na si Annie. Well, bukas pa rin naman ang Philippine Showbiz Republic (PSR) sa panig naman ng kampo ni Jed.

[divider]

LGBT Empowerment

unnamed
unnamed (1)Bilang pagsuporta sa LGBT ay pinagpapatuloy ng inyong lingkod at ng kasama namin na si Rommel Placente ang yearly event na Ms. Gay Batimana, Beking Dyosa sa Valenzuela City last May 3 bilang bahagi ng selebrasyon ng kapistahan. 2nd runner up si Ellai Bernardino aka Katrina Halili, 1st Runner-up si Trisha Laturnas aka Jennylyn Mercado at nakuha ni Cheskah Castillo aka Ellen Adarna ang titulo. Dinaluhan din kami ng ilang celebrity guests tulad nina Josh Limon, Carl Saliente at Jak Roberto. Nagpapasalamat naman kami sa mga sponsors na tumulong gaya ng Aficionado, Renew Placenta, All White, New Placenta, at Fragrances of the Stars.

 

Leave a comment