Gelli, Ariel remember first movie together ‘Ikaw Pala Ang Mahal Ko’

Pagkatapos ng humigit-kumulang na dalawampu’t limang taon, balik-tambalan ang mag-asawang  Ariel Rivera at Gelli de Belen sa pelikulang “Ang Sikreto ng Piso,” isang family-oriented comedy flick na palabas na sa Enero 30.

Huling nagsama ang dalawa sa “Ikaw Pala Ang Mahal Ko” noong 1997 pero noong mga panahong iyon ay hindi pa sila mag-asawa kaya naman aminado si Gelli na nanibago siya sa kanilang muling pagtatambal.

“Medyo nawerduhan ako kasi nasanay akong pinapanood siya sa mga drama at romance movies.  Nanibago rin ako kasi  si Ariel, napa-sweet niya at cheesy in this movies. Kasi in real life, iba siya,” ani Gelli.

Aminado naman si Ariel na malaki rin ang naging adjustment niya dahil mas forte niya ang mga heavy dramas at romantic movies.

“Actually, naghahanap talaga ako ng project na light at easy. Kaya naman noong ini-offer sa akin ito, tinanggap ko agad kasi I want to do something na iba naman at na-enjoy ko naman,” pahayag ni Ariel.

First time rin ni Ariel na magpapakuwela sa isang pelikula pero naging panatag daw ang kanyang kalooban nang malaman niyang ang ilang mga beteranong komedyante na nakatrabaho na niya ang makakasama niya.

“It’s my first independent movie and my first comedy movie too, but on television, nakatrabaho ko naman iyong ibang mga comedians na kasama ko, so kahit papaano madali akong nakapag-adjust,” I’ve worked with some of these comedians before, so I didn’t have to adjust much,” paliwanag ni Ariel. “Besides, my wife is funny, even off-cam.  She’s so funny lalo na pag nagbabato siya ng punchlines. So in a way, nagtulungan kami,” dugtong niya.

Isang family –oriented comedy  “Ang Sikreto ng Piso” na tumatalakay sa dapat malaman ng mga  Pinoy sa kahalagahan ng piso.

“I am happy to work with Ariel.  Never pa kaming nagkasama sa isang project bilang husband and wife. I think, ito iyong perfect opportunity. As a actor, malaki ang ipinagbago niya. Nag-mature na siya at proud ako sa kanya. Iyong batuhan naming ng dialogues, mas naging spontaneous at mas madali dahil kilala na naming ang isa’t isa.  Nagtulungan din kami kung paano naming gagawin ang mga eksena na convincing bilang mag-asawa,” pagtatapat ni Gelli.

Sina Ariel at Gelli ang  perfect choices sa roles nina Juana at Ronnie sa “Ang Sikreto ng Piso” dahil  isa sila sa mga  showbiz  couples na maituturing na matagumpay ang pagsasama bilang mag-asawa.

Halos dalawang dekada na silang kasal at biniyayaan ng dalawang anak na lalake, sina Joaquin at  Julio na parehong nag-aaral sa Toronto sa Canada.

Dahil malayo sa piling mga anak, naging opportunity daw ito para mas lalo silang makapag-bond sa asawa kasama na sa panonood ng Koreanovela.

“We’re like boyfriend and girlfriend all over again. Because the children are away, we’ve become closer. We’ve rebonded in a different way. When I’m abroad for concerts, I’d miss her and would always want to go home immediately,” pagbubunyag ni Ariel.

Hirit naman ni Gelli, nalalabanan daw niya ang separation anxiety sa kanyang mga anak sa tulong ng kanyang mister.

“Kapag narito ang mga boys ko, siyempre, preoccupied ako sa pag-aasikaso sa kanila. Ngayon, mas focused ako kay Ariel. These days, lagi kaming magkasama kahit sa gym. He has become my gym buddy. Tapos, nanood na rin siya ng Koreanovela,” pagtatapos ni Gelli.

Mula sa direksyon ni Perry Escano, bahagi  rin ng cast ng pelikula na mapapanood na sa Enero 30 sina Bea Binene, Angelica Ulip, Nico Nicolas, Lou Veloso, Long Mejia, Ricky Rivero, Beverly Salviejo, Wacky Kiray, Ernie Garcia, Raphael Robes, Amberlicious, at Joyce Peñas Pilarsky.

Leave a comment