Gabbi Garcia praises Cherie Gil

Ang isang ina ay ilaw ng tahanan, siya ang nagbibigay liwanag sa kaisipan ng kanyang mga supling. Siya ang kanilang gabay patungo sa maaliwalas na kinabukasan.

Subalit paano kung ang mismong ina ang magiging dahilan upang unti-unting malugmok ang kanyang anak sa putikan na habang buhay nitong susubukang takasan.

Ngayong Sabado huwag palagpasin ang kwento ni Pia, isang babae na sa kanyang napakamurang edad ay nasadlak sa putikan nang ibugaw siya ng kanyang sariling inang si Magda. Kapalit ng pera, hindi inalintana nito na maaring masira ang buhay at mga pangarap ng sariling anak.

Tanging pangarap lang ng kanyang ina ang magandang buhay pero dahil sa kahirapan at pagkakabaon sa utang ay naging alipin sya ng pera at dito ay nagawa niyang ibugaw ang kanyang sariling anak sa ibat-ibang lalaki.

Sa murang edad ni Pia, gamit ang katawan ay kinailangan niyang kumita ng pera para sa pamilya.

Hanggang sa dumating si Ramon, ang matandang nabaliw at nagmahal kay Pia na sinuportahan pati pag aaral nya at ng kanyang mga kapatid. Nagpumilit siyang makatapos nang pag aaral subalit ng mabuntis siya kay Ramon pinilit siya nitong ipalaglag ang dinadala dahil may pamilya ito kaya hindi niya maaring panagutan ang bata.

Subalit pinatunayan ni Pia na hindi dahil masama ang puno, magiging masama na rin ang bunga. Kahit itinulak siya ng ina sa maruming propesyon, hindi nangangahulugan na siya’y magiging patapon ding ina. Kahit anong hirap ang patuloy niyang dinaranas, sinisikap ni Pia na itaguyod ang mga anak sa disenteng paraan.

 Ngayon Sabado, sabay sabay nating tunghayan ang “Ina ko, Bugaw ko.”

Itinatampok ang premyadong aktress na Si Ms. Cherie Gil na puring-puri ni Gabbi bilang Magda, Leo Martinez as Ramon, Gabbi Garcia as Pia, Phytos Ramirez as Chris, Gilleth Sandico as Mrs. Chua, Kenneth Paul Cruz as Paolo, Lindsay de Vera as Anne at Sean Rose as Lance.

With guest appearance nina Citadel Mariano as abortionist at Mimi Juareza as Tracy.

Sa ilalim ng direksyon ni Neal del Rosario, sa panulat ni Senedy Que at pananaliksik ni Angel Lauño.

Leave a comment