Frontrow owner RS Francisco feeds 1,000 Filipinos everyday

“Basta’t may raket si Bhoy Intsik, walang magugutom dito,” sabi nga ni RS Francisco sa kaniyang award-winning role na Bhoy Intsik.

At sa pag-arangkada nitong May 7 ng feeding program ng philanthropic celebrity actor na Kontra Gutom (hatid ng Frontrow Cares), confirmed na wala talagang magugutom sa paligid nito. 

Balita ngayon na sa unang araw palang bumisita na ang Kontra Gutom feeding program sa limang area, kabilang ang Bagong Barrio Caloocan, Bistekville 4 Visayas Avenue, Senate Road Pasay, Dagat Dagatan Navotas, at Tonsuya Hall Covered Court sa Malabon, para mag distribute ng 1,000 food packs mula sa Buffalo’s Wings N’ Things na kanilang kaagapay laban sa gutom.

Sa second day nito na May 8, may 1,000 meals itong muling nilaan para sa Sampaloc Manila, Anonas Quezon City, Pasong Tamo Quezon City, Roxas Boulevard Pasay at sa mga homeless sa Quezon City area.

Ika ni RS, na matagal tagal na rin palang nagbababalak na magpa feeding program, “Noong una nag iisip ako ng volunteer food supplier for fresh and warm meals. Buti nalang talaga na finally nakahanap kami ng restaurant partner sa pag yes ng Bufallo’s Wings N’ Things. 

“Syempre, this wouldn’t be possible kung hindi sa food establishment at sa mga Frontrow Cares volunteers namin, kaya maraming salamat talaga sa kanila.”

Kasama ang Kontra Gutom feeding program sa ilang mga initiatives ng Frontrow Cares na nag pledge ng kabuuan ng Frontrow product sales from May 1- 30 para sa patuloy nitong pag tulong sa mga Frontliners at less privileged kababayans.

Bago pa man mag-announce ng pag-donate ng whole month sales nito, laganap na ang Bayanihan sa Frontrow na nakapag abot na ng P45-million worth na tulong sa 50 hospitals at pati na rin sa mga military personnel nationwide. 

Nakapag pamigay na rin ng mga grocery, bigas at gatas si RS bago pa man mabuo ang konsepto ng Kontra Gutom.

Kaya talagang talaga, iba man ang real-life character ni RS sa kaniyang titular role 3 years ago na Bhoy Intsik (kung saan siya rin ay naka-ani ng PMPC Star Awards Movie Actor of the Year, by the way), gagawin ng butihing celebrity businessman ang lahat para malabanan ng mas marami ang hirap at gutom. 

Maraming salamat sa iyong kabutihan at malasakit para sa mamamayang Pilipino, Sir RS Francisco!

Naway mag tuluy-tuloy pa ang Kontra Gutom feeding program at iba pang mga adhikain ninyo.

Leave a comment