From PBB to Sandugo: Aljon Mendoza gets his first break

Isa sa mga dahilan kung bakit pumasok si Aljon Mendoza sa PBB Otso, ngayon ay nasa outside world na, ay pangarap niyang maging isang artista. At matutupad na ang pangarap niya, dahil makakasama siya sa bagong serye ng ABS-CBN 2, ang Sandugo, na pagbibidahan nina Aljur Abrenica, Ejay Falcon at Elisse Joson.

“Gaganap po ako sa Sandugo bilang kapatid ni ate Elisse. Nai-excite po ako and at the same time, napi-pressure at kinakabahan, kasi first teleserye ko. Pero siyempre, kaya po!” sabi ni Aljon.

Nu’ng nasa loob pa siya ng PBB House, ano ang masasabi niyang pinakamagandang na-experience niya rito?

“Nakahanap po ako ng bagong pamilya na hindi ko naman po kaano-ano. Sobrang magkakalapit po kami ngayon. Isang tawag lang po, alam po namin na nandito lang kami para sa isa’t-isa,” sagot niya.

Ano naman ang pinakamahirap na naranasan niya nu’ng nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya?

“Pinakamahirap po talaga sa akin, ‘yung na-homesick ako. Na-miss ko po ‘yung pamilya ko, kasi hindi ko sila nakikita, kahit boses, kahit anino, wala po akong makita sa kanila. Lagi ko pong naaalala ‘yung pamilya ko. Naiisip ko po kung kamusta na sila. Sobrang hirap po nu’n sa feeling, na kailangan mong gawin, kahit hindi mo sila makita para sa pangarap mo.”

Ano ang mga bagay na hindi niya na nagagawa ngayon mula nang maging housemate siya ni kuya?

“Hindi ko na po nakakasama ‘yung mga kaibigan ko,” sagot niya.

Sino ba ang showbiz crush niya, na gusto niyang makatrabaho in the future?

“Si Ylona (Garcia) po. Pero siyempre, kung sakali pong magkaru’n ako ng partner, gusto ko po si Karina (Bautista, na isa ring teen housemate sa PBB Otso, na kasama sa Big 4). Kasi po, since day 1, siya na po ‘yung kasama ko sa PBB.”

Nakausap namin si Aljon sa get together ng kanyang mga tagahanga, sa pag-imbita ng aming kaibigang si Chams Gonzales.

Leave a comment