Former band member gets his own online show

Seseryosohin na ni JR Estudillo ang pagpasok sa entertainment world dahil plano na niyang umattend ng workshops at training para lalo pa siyang gumaling bilang host kasama na ang pag-arte bukod sa pagkanta niya.

Bilib na bilib nga sa kaniya si Kate Rodriguez, owner ng Solid Rock Entertainment Production kaya binigyan siya ng online show na Usapang Lodi.

Speaking of Usapang Lodi na napapanood tuwing  Sabado  alas-8 ng gabi ay lalong gumagaling itong si JR.

Kayang-kaya niyang magbigay opinyon na tama at wasto sa pinag-uusaping topic kaya naman tuwang-tuwa ang mga nakakapanood sa kaniya.

Isa pa, may talent siya sa singing kaya naaaliw ang mga manonood. Sa pagkanta siya nagsimula.

Nagsimulang kumanta si JR bilang miyembro ng bandang Y-Fi na noong 2014 ay sumali ang grupo sa World Championships of Performing Arts(WCOPA) at pumasok sa  semi-finals at sa sumunod na taon nanalo sila bilang Senior Vocal Group of the World Award sa naturang patimpalak.

Bukod nga sa pagho-host ng Usapang Lodi at bilang singer ay sinisikap niya na mapansin. Sa totoo lang naman kasi ay hindi ganoon kadali ang makilala sa showbiz lalo na ngayon nagsosolo na siya at wala na sa banda.

“Yes po. Sobrang nanibago. Lalo na sa stage kasi iba iyung meron kang kasama sa stage, and all of the sudden ikaw lang mag-isa sa stage. Nakakakaba. Medyo nag-adjust na po talaga ako nung nagsimula ako as a soloist.”

Leave a comment