Former actress Gem Castillo Amante praises husband, Mayor Vic Amante

Hindi na hinahanap ng katawan ng dating aktres na si Gem Castillo Amante ang pag-arte sa harap ng kamera.

Masaya na siya bilang isang ordinaryong tao at misis ng mayor ng San Pablo City na si Vic Amante.

Sa panayam namin kay Mayora Gem, nang bisitahin namin sila ni Mayor Vic sa kanilang malapalasyong tahanan, tinanong namin siya kung kamusta ang pagiging misis ng isang mayor.

“Well, very busy. Isa sa mga nalalapitan bukod kay Mayor. So ‘yung ibang nagpapahatid ng mga kailangan nila, hihingi ng tulong, minsan ako ‘yung nagiging way. Sa akin nagsasabi. But it’s okay. Maganda at masarap kasi ang nakakatulong,” sabi ni Gem.

No regrets na masasabi ni Gem na tinalikuran niya ang showbiz.

“Masaya at saka mas marami tayong natutulungan ngayon. Isa ‘yung fulfillment sa akin,” sabi pa ni Gem.

Karamihan sa mga politicians ay lapitin ng mga babae o babaero. Pero kampante at proud si Gem na sabihin na hindi nagloloko o  nambababae si Mayor Vic.

“Napakabait ng asawa ko. Never pa siyang nambabae. Palagi ko siyang binibiro. ‘Hoy ang handosome ng lalaki mo at ang gaganda ng mga babae mo. Upgraded ang lahi mo.’

“Actually, natutuwa siya sa mga bata dahil matatalino rin. Hindi niya na magagawang mambabae.”

Sina Gem at Mayor Vic ay may apat na anak. Isang lalaki at tatlong babae.

Yung ibang asawa ng politician ay nagiging politiko rin. Pero sa kaso ni Gem, wala siyang planong pasukin ang politika.

“Nakakatulong din naman ako kasi, kahit wala ako sa posisyon,” katwiran niya.

Pero hindi nagsasalita ng tapos si Gem na hindi niya susundan ang mga yapak ng asawa.

“Mahirap kasi magsalita ng tapos tapos baka makikita ninyo rin ako na nagsisilbi na o nasa politics na pala. So let see,” pagtatapos n’ya.

Leave a comment