Foreignay Dasuri Choi admires Toni Gonzaga, thanks Hyundai Home Appliances

Aminado ang South Korean dancer at entertainer na si Dasuri Choi na mahilig siyang manood ng mga pelikulang Pilipino at ang paborito niyang panoorin ay ang mga pelikula ni Toni Gonzaga.

“Bukod sa magaganda ang mga movies niya, natutuwa ako sa pag-arte ni Toni. Ang galing-galing niya lalo na sa mga romantic-comedy movies. Gustung-gusto ko talaga si Toni,” sabi ni Dasuri sa virtual press launch niya bilang endorser ng Hyundai home appliances.

Dahil nga sa paghanga niya kay Toni kaya naman kung gagawa siya ng pelikula ay gusto niya rin ng comedy. “Pag may chance gusto ko ay comedy para light lang. Mahirap kasing mag-drama at umiyak.”

Siyempre nanonood si Dasuri ng mga pelikula ni Toni at iba pang Pinoy movies sa paborito niyang Hyundai 55-inch Ultra High Definition LED Smart TV.

Bukod sa outstanding picture quality, mayroon din itong excellent sound quality powered by JBL plus equipped with other online functionalities like social media.

Speaking of television, sa TV din unang sumikat si Dasuri matapos niyang manalo bilang 2nd runner-up sa top-rating segment ng Eat Bulaga na Youre My Foreignay noong 2014.

Mula noon, siya ay naging co-host sa reality-lifestyle show ng GMA News TV na Day Off kung saan nakasama niya ang komedyanteng si Boobay at ang singer-actress na si Julie Ann San Jose.

Pinasok din ni Choi ang acting at napanood siya sa ilan sa mga top-rating TV series ng Kapuso Network gaya ng Pepito Manaloto, My Korean Jagiya, at Inday Will Always Love You. 

Bukod sa LED Smart TV, ang iba pang paboritong Hyundai home appliances ni Dasuri ay ang steam rice cooker, built-in gas stove, infrared cooker, circular electric grill, coffee machine, at air conditioner.

Masayang-masaya si Dasuri na siya ang napili para maging brand ambassador ng Hyundai home appliances, isang world-class appliance brand mula sa South Korea at matatagpuan sa humigit na 100 bansa sa buong mundo.

Ayon nga kay Dasuri, “Maligaya akong makita na nag-e-expand ang Hyundai sa Filipino market. Being part of Hyundai Home Appliances has been such a wonderful experience and I’m truly grateful that a global brand that gives innovative solutions has welcomed me into their family. Mayroong espesyal na puwang sa aking Korean na puso ang mga Hyundai Home Appliances na aking pag-aari since they are not only pleasing to my eyes because of their classy designs, but also because they are very reliable and efficient. Honored ako to share this brand sa aking pamilya at mga kaibigan and make them part of the Hyundai Home Appliances community.”

Excited din si Dasuri na i-share sa kanyang vlogs ang kapakinabangan ng ineendorso niyang home appliances.

“Kilalanin po ninyo ako at ang aking mga araw sa piling ng Hyundai Home Appliances  together we’ll teach everyone helpful home hacks, health tips, all things Korean, and many other amazing updates on Hyundai,” ani Dasuri. 

Leave a comment