First time working together, Ai Ai, Bayani enjoy doing ‘Feelennial’

Maraming cool titos and titas ngayon na feeling millennials sa pananalita, pananamit at pagkilos kaya naman nabuo ang term na “feelennial.” Bongga ang singer na si Pops Fernandez dahil film producer na rin s’ya!

“Feelennial” ang title ng movie na iproproduce ni Pops kasama ang Cignal TV na pinagbibidahan nina Ai Ai delas Alas and Bayani Agbayani na first time nagsama in one project.

Sey ng producer, maganda ang team up nina Ai Ai at Bayani. Originally dalawang babae dapat ang bida ng pelikula pero hindi available ang isang artista. Perfect choice si Bayani para mas lalo pang maging funny ang pelikula.

Dahil matagal na ring nakasama ni Pops si Ai Ai sa mga show, naging madali para sa kanila ang magtrabaho sa iisang pelikula. Itinuturing din ni Pops na lucky charm si Ai Ai.

Kahit hindi naging maganda sa takilya ang mga nakaraang pelikula ng dalawang bida, ay hindi nila iniisip iyon dahil ang mahalaga raw ay mayroon pa rin silang project.

Nagbiro pa ang dalawang komedyante na matipid daw na producer si Pops. Bilang isa ring artista, maalaga raw si Pops at ibinibigay ang lahat ng pangangailangan. 

Confident ang Comedy Concert Queen na magugustuhan ng mga manonood ang pelikula na para sa buong pamilya. Dagdag naman ni Bayani, dapat mas unahin ng mga Pinoy ang pelikulang Pilipino.

Kahit hindi millennials, nakakarelate naman ang dalawa sa culture ng millennials. Ang asawa ni Ai Ai ay millennial, habang nao-observe naman ni Bayani ang mga anak n’yang millennials.

Sana lang daw ay huwag kalimutan ng mga millennial ang values na tinuturo sa kanila ng mga nakakatanda. Ang pelikulang “feelennial” ay punung-puno ng katatawanan, leksyon, at puso. 

Directed by Rechie del Carmen, showing na sa June 19 ang pelikula.

Leave a comment