Fil-Am Jordan Clarkson shows what he’s made of on a game between LA Lakers vs. Golden State Warriors

Fil-Am Jordan Clarkson shows what he’s made of on a game between LA Lakers vs. Golden State Warriors

by Justin Pisueña

clarksonKamakailan lang ay naglaban ang Los  Angeles Lakers at ang Golden State Warriors. Nanalo ang Lakers sa score na  85-70 sa pre-season game na nahinto noong third quarter na ng laro ng dahil sa hindi makapaglaro ang manlalaro dahil sa condition ng court.

Sa nasabing laban ay nagpakitang gilas ang Filipino-American na si Jordan Clarkson na miyembro ng koponan ng Lakers. Naka-score ito ng 17 points at nakakuha ng 5 rebounds. Samantalang si Julius Randle naman ay nakakuha rin ng 14 points. Isa iyon sa mga malaking dahilan kung bakit natambakan nila ang Golden State Warriors noong laro nila.

 

Nahinto ang laro noong nadulas si Leandro Barbosa dahil sa may bahagi ng court ay may moisture spot ng yelo sa ilalim ng court sa Valley View Casino Center.

Leave a comment