Erich Gonzales clarifies hearsay that her non-showbiz boyfriend is allegedly married, reason in keeping him privately

Antazo PSR pic
by Mary Rose G. Antazo

Erich-Gonzales Very private ang lovelife ng Kapamilya star at isa sa bida ng teleseryeng Two Wives na si Erich Gonzales. Isa siya sa mga artistang kahit nasa mundo ng showbiz ay napapanatiling matatag ang relasyon sa kanyang non-showbiz bf at kahit matagal na silang mag-dyowa ay hindi pa rin niya ito ipinapakilala sa publiko kaya tuloy sari-saring tsismis ang naglalabasan. Isa na nga rito ang tsikang kesyo may asawa na ang kanyang boyfriend kaya hindi niya ito naipapakilala.

Nag-react ang dalaga at sinabing walang katotohanan ang balita. Sa guesting nito last Sunday sa The Buzz ay sinabi nito ang tunay na rason.

“He’s very private kasi. Respeto ko ‘yun sa kanya at sa pamilya niya dahil hindi naman sila sanay sa showbiz. Sobrang quiet lang talaga,” bungad ni Erich.

Super proud daw siya sa kanyang boyfriend na 10 years older than her.

“Wala naman akong tinatago. Lumalabas naman kami and I’m very vocal na may boyfriend ako. Hindi ko siya ikinakahiya. I’m very proud of him. I’m very okay sa family niya. Gusto nila ako. Ako ‘yung anak nilang babae kasi only son lang siya,” sambit pa nito.

Very happy siya sa piling ng kanyang boyfriend at answered prayer daw ito sa kanyang buhay.

“Lagi kong sinasabi na kung yung ibang tao nagdadasal na sana matagpuan nila ‘yung the one, ako ito na. Binigay na siya sa akin ng Diyos. I really feel na siya na po talaga,” pahayag pa ng napakagandang si Erich.

Samantala, hindi pa rin nawawala ang tsismis sa kanila ni Daniel Matsunaga na nali-link sa kanya pero itinuturing niyang isang kaibigan.

Erich-Gonzales-Daniel-Matsunaga

“Lagi kong sinasabi na ayaw kong makipagrelasyon sa showbiz. I don’t think it’s for me. Hindi siya magwo-work para sa akin. Ayaw ko kasi ng magulong love life. Gusto ko love life lang. Kapag nasa showbiz ka, iba talaga. Gusto ko tahimik lang, walang komplikasyon,” paliwanag pa ng aktres.

Ikinatutuwa rin niya na hindi naman ito nagiging dahilan para magselos ang kanyang bf.

“Yun nga ang isa sa masasabi ko na suwerte ako dahil yung boyfriend ko naiintindihan ang trabaho ko. Lahat ng ginagawa ko na may kinalaman sa work, he’s very supportive.

“Walang selos and matured na yun, ‘di na yun bata para magselos. ‘Uy, ano ang ginagawa mo?’ Walang ganun.

“Ako sobrang masaya lang para sa akin kasi sobrang blessing sa akin ang boyfriend ko. Sobra yung patience niya, yung understanding, pagmamahal although ‘di yun nakikita ng mga viewers kasi ‘di naman ako ma-post sa social media.

“’Di nila nakikita yung effort ng boyfriend ko sa relationship namin, pero na f-feel ko na siya na talaga ang binigay ng Diyos sa akin. Kung yung iba nagdarasal na sana mahanap na nila yung ‘The One,’ o dumating, ako, nandiyan na, binigay na.”

At sa issue na plano na rin nilang magpakasal ng boyfriend dahil usong-uso ngayon ang kasalan sa showbiz heto ang sagot ng dalaga.

“’Di ko masasabi talaga, basta alam naman niya na marami pa akong kailangang gawin and he’s willing naman to wait for me. “Basta kapag ready na ako, i s-share ko sa inyo, kasi that’s something na ‘di naman dapat tinatago. Basta ‘wag namang mag-50.”

Follow me…

social networkingMary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/balot9

Leave a comment