Empress Shuck gives birth to a bouncing baby girl!

psr a12d

by: PSR News Bureau

Empress-Schuck-15Nakapanganak na nga ang young actress na si Empress Shuck to a bouncing baby girl sa St. Luke’s Medical Center niong Linggo, September 27, 2015. Ayon sa manager nitong si Beck Aguila, Sabado pa lang dawn g umaga ay nagle-labor na si Empress pero Linggo nga lang dawn g 1PM ito nakapanganak. Bagamat nahirapan si Empress, nairaos naman niya ito at nakapanganak via normal delivery kahit pa kinailananga i-vacuum ng doctor ang baby niya dahil may kalakihan ito.

Pinangalanan nila ang baby na Athalia. Tumitimbang ang baby ni Empress ng 7 lbs. at 9.5 inches naman ang kanyang haba. babySiyempre, all throughout the ordeal, hindi iniwanan si Empress ng ama ng kanyang anak na si Vino Guingona.
Kumpleto na ang pamilya ng aktres, kasal na lang ang kulang sa kanila ni Vino. Sa kasalukuyan ay nagpapahinga na raw si Empress at ilang araw pa’y makakauwi na ito sa kanila.

Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), congratulations sa inyo Empress!

Leave a comment