Ella Cruz confirms she’s dating Bret Jackson

Hindi ikinaila ni Ella Cruz na paminsan-minsan ay lumalabas sila ng Viva talent na si Brett Jackson na na-link noon kay Andi Eigenmann.
“Hindi naman po kami lang. We go out in the company of friends or minsan kasama namin si Mama,” depensa niya.CE8KyABUkAASYb4
Nanliligaw ba sa iyo si Bret?

“Ayoko pong bigyan ng label. Medyo chill muna. Take it slow. Medyo busy kasi ako ngayon dahil sunud-sunod ang sked ko. Kakikilala ko lang siya noon sa Wattpad at yung mga friends niya so dahan-dahan muna.”

Niregaluhan ka raw ni Bret ng isang diamond necklace?

“Bale, birthday gift po niya sa akin,” pagtatapat niya.

Sa palagay mo ba, patungo na sa relationship ang status ninyo ngayon?

ella-cruz-001“Wala po akong idea. No boyfriend since birth po kasi ako. Bilang first kung sakali, hindi ko masabi. Gusto ko lang mag-enjoy. Kung doon pupunta iyon, di dapat sana, sinagot ko na siya. Ayoko kasing seryosohin. Baka kasi kapag sineryoso ko, baka masaktan ako. Kumbaga, take it slow lang. Basta enjoy lang dahil bata pa po ako,” aniya.

Ano ang common bond ninyo ni Bret at nagkakasundo kayo at nakakapag-connect sa isa’t-isa?

“Marami kaming bagay na parehas. Mahilig kaming kumain pareho ng Korean foods. Pero mostly opposites yung iba. Tahimik siya, madaldal ako. Matangkad siya, ako tama lang. Siya kumakanta, ako hindi. Yung pagiging madaldal ko minsan, nakakatawa raw. Feeling ko, doon siya natutuwa sa akin.”

Ano’ng masasabi mo na nali-link ka rin kay Shaun Salvador na kasama mo sa “Parang Normal Activity”?

“Yun nga eh. Kasi, love team kami ni Shaun sa “Parang Normal.” Yun nga ang unique doon dahil ghost ako at tao siya. Actually, natutuwa ako dahil maraming kabataan ang kinikilig sa amin,” kuwento niya.

Naging viral ang “Twerk It Like Miley” video mo, kakarerin mo na ba ang twerking?

“Noong naging viral nga yung video, natuwa ako. Pero, hindi lang naman twerking ang alam ko. May mga bago akong ia-upload na hiphop, K-pop at iyong iba may partner pa akong sumayaw. Pero, gusto ko rin namang makilala ako as an actress na kayang gawin ang iba’t-ibang roles,” paliwanag niya.

Ayon pa kay Ella, she does not mind being called a “pabebe” girl dahil pabebe naman talaga ang role niya sa pinakabago niyang TV series.
“Lahat naman siguro ng babae, gustong maging pabebe o gustong inaalagaan o inaalalayan ng mga lalake, although wala pa ako sa stage na seryosohin iyon,” pagtatapos niya.

First time na makakatambal ni Ella si AJ Muhlach sa “Wattpad Presents Bebeng Pabebe meets Super Jiro” na mapapanood na sa TV 5, Lunes hanggang Biyernes sa ganap na alas 9 ng gabi.

Leave a comment