‘Elise’ captures Janine, Enchong unexpected chemistry

Lumaking magalang, mabait at responsable itong si Janine Gutierrez. Naging maganda ang pagpapalaki sa kaniya ng parents niyang sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher. 

Kahit sabihin pang hiwalay na ang kaniyang mga magulang at may kaniya-kaniyang buhay ay hindi napariwara ang dalaga maging ang kaniyang mga kapatid. 

Sa katunayan, kahit nagsosolo na ang dalaga at bumukod na siya ay hindi pa rin siya nawawalan ng oras kina Lotlot at Monching pati na rin sa kaniyang mga kapatid. Madalas pa rin ang bonding niya sa mga ito. At ang maganda pa, naililibre na niya ang kanyang brother at sisters sa pagta-travel sa ibang bansa. 

Kaya naman sinusuwerte siya at napakaganda ng kaniyang career. Malapit na siyang mapanood muli sa telebisyon sa teleseryeng Dragon Lady at kasalukuyan namang ipinapalabas sa mga sinehan ang kaniyang pelikulang “Elise” na pinuri ang akting nila ni Enchong Dee sa naturang movie. 

Hindi lamang kasi sila magaling sa drama scenes, maging sa pagpapatawa ay kuwelang-kuwela rin sina Enchong at Janine.  Istorya ng wagas na pag-ibig ang kuwento ng kanilang pelikula na marami ang makaka-relate. Binigyan ito ng Graded A ng Cinema Evaluation Board. 

In fairness, hindi ka naman mabibigo kapag pinanood ang pelikula dahil maraming eksena sa pelikula ang nakakatawa at mai-entertain kang tunay. Ang ganda pa sa screen ni Janine at ang guwapo ni Enchong. Mabigat ang ending ng movie pero kapag natapos mo itong panoorin ay magaan ang iyong loob. Bakit? Yun ang dapat ninyong panoorin at palabas pa rin ito sa mga sinehan nationwide.

Leave a comment