Eigenmann headlines ‘MPK’

Ngayong Sabado, January 8 ay mapapanood ang bagong episode ng Magpakailanman na pinamagatang Balut Vendor Turned Inventor: The Roland Barrientos Story na pagbibidahan ni Gabby Eigenmann bilang si Roland na isang tindero ng balut at mangangalakal.

Misis niya si Karen (gagampanan ni Rochelle Pangilinan) na hindi kuntento sa kinikita ng kanyang mister kaya nangibang-bansa ito para magtrabaho.

Ang kanilang pagkakalayo ay humantong sa paghihiwalay na isinisi ni Roland sa kanyang sarili. Nangako siya sa kanilang mga anak, lalo na sa kanyang panganay na si Rochelle (Ashley Ortega) at nangako si Roland na gagawin niya ang lahat upang mabuong muli ang kanilang pamilya, nguni’t hindi ito nangyari.

Nagpokus si Roland sa kanyang mga anak hanggang sa nakilala niya si Jennifer (Myrtle Sarrosa) na mas bata sa kanya ng sampung taon na nakitaan niya ng pang-unawa at pagmamahal na hindi niya Nakita kay Karen.

Nguni’t ang magandang relasyon nina Roland at Jennifer ay magiging sanhi ng pagkasira ng relasyon nina Roland at anak niyang si Rochelle, na humantong sa pag-alis ni Rochelle.

Kakailanganin ba ni Roland na mamili kina Jennifer at Rochelle?

Ang Balut Vendor Turned Inventor: The Roland Barrientos Story ay sa direksyon ni Neal del Rosario, sa panulat ni Loi Argel Nova at pananaliksik ni Stanley Pabilona, sa mas maagang timeslot na 7:15 ng gabi, sa GMA.

*****

SIMBAHAN O KASINTAHAN?! LINGKOD NG DIYOS, TUMIKLOP KAYA SA TUKSO NG DATING JOWA NIYA? 

Magtatrabaho sa ibang bansa si Arthur (Mark Herras) upang guminhawa ang buhay ng kanyang misis na si Vivian (Maui Taylor) at anak-anakan nilang si Faith (Ella Cristofani). 

Kaya naman para sa ligtas niyang pagbiyahe at pagtatrabaho, humingi sila ng basbas sa bagong kura paroko ng kanilang simbahan — si Father Edgar (Vin Abrenica). 

Lingid sa kaalaman ni Arthur, ang muling pagkikita pala nina Father Edgar at Vivian ay magbubunga ng isang malaking kasalanan! Ano kaya ito? 

ABANGAN ANG NATATANGING PAGGANAP NINA VIN ABRENICA, MAUI TAYLOR, AT MARK HERRAS! KASAMA RIN SINA ELLA CRISTOFANI, KIM DE LEON, CRYSTAL PARAS AT BRYAN BENEDICT! 

Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana : KASALANAN ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7! #TadhanaKasalanan

Leave a comment