Earlier timeslot also means more viewership—Alice

Masaya ang Kapuso actress na si Alice Dixson sa mas pinaagang timeslot ng hit family drama series na ‘Legal Wives.’ 

Marami ang natuwa na napapanood na ang Legal Wives pagkatapos ng 24 Oras simula nitong Lunes, August 30.

Ani ni Alice, “Natutuwa kaming lahat because an earlier timeslot also means more viewership. Nagpapasalamat kami sa mga nanonood ngayon at sa mga sumusubaybay. Napaka ganda ng reactions and comments.”

Pahayag pa ng aktres, mas kapana-panabik ang mga eksenang dapat abangan sa serye kung kaya’t dapat na tumutok ang mga manonood.

“Ismael is now trying to balance. Nagbabalanse siya kung paano makisama sa dalawang asawa, paano mamuhay nang tahimik or at this point, hindi matahimik with two wives,” paliwanag ni Alice.

Tuluyan na nga bang mahuhulog ang loob ni Amirah (Alice) kay Ismael (Dennis Trillo)? 

Patuloy na subaybayan ang Legal Wives sa bago nitong oras at 8PM, pagkatapos ng 24 Oras, sa GMA Telebabad.

Leave a comment