Dito sa GMA, hindi lang tayo proud to be Kapuso kundi proud to be Filipino rin—Alden Richards

Sa YouTube video na ini-upload ng GMA Network, tampok si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa pagbabahagi ng misyon ng Kapuso Network na pagpapahalaga sa kasaysayan ng bansa. 

Aniya, “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. Dito sa GMA, binibigyan namin ng pagpapahalaga ang ating kasaysayan sa pamamagitan ng ating mga programa. Gusto naming ipakilala sa mga susunod na henerasyon na mga manonood ang kadakilaan ng ating mga bayani. Dito sa GMA, hindi lang tayo proud to be Kapuso kundi proud to be Filipino rin.”

Mapapanood sa www.GMANetwork.com ang full episodes ng mga natatanging historical drama ng GMA katulad ng Amaya, Indio, Ilustrado, Alaala, at Katipunan.

Leave a comment